Chapter 12

162 2 0
                                    


      "Lier!" pagkasabing iyon ay tumalikod ito at lumabas ng unit ni Vince. 

   Si Vince naman imbis na habulin si Xandra ay hindi niya magawa. Nanatili lang siyang nakatayo habang nakatitig sa nakasarang pinto. 
     
   Hindi niya maintindihan ang sarili, ayaw niyang masaktan si Xandra kaya minabuti niyang iwasan si Veronica para hindi na maulit iyon. Pero nasaktan niya pa rin si Xandra. Nanghihina siyang umupo sa upuan at ginulo ang kaniyang buhok. 

   Simula noong dumating sa buhay niya si Veronica ginulo lang nito ang mundo niya. Ginawa nitong komplikado ang lahat, simula ng araw na nabangga niya ito. Sa party ng papa niya, oo  nalaman niyang si Veronica iyon. Hindi na ito nawala sa isip niya, kahit anong gawin niya. Naaalala nito ang mga mata nitong magandang nakatitig sa kaniya, ang mga ngiti nitong nagpapagaan ng damdamin niya.

     At dahil sa mga mata at ngiting iyon nagawa nga niyang sundan ito hanggang sa condo nito. Noong una hindi niya akalain na sa condong binili pala niya nakatira ito. Pero nagawa nga niyang tumira na rin sa katabing unit nito. Nababaliw na yata siya.

   Mabilis niyang kinuha ang susi ng sasakyan niya at lumabas. Hindi dahil para sundan si Xandra kun'di para magtungo sa bar. Iinom na lang siya, baka bukas mawala na ang lahat ng ito, sana nga mawala. Pero paano 'pag hindi? 

   Habang naglalakad sa pasilyo ng condo ay napatigil siya sa babaeng nakatingin sa kaniya. Naikuyom niya ang mga kamao niya, nakita naman niyang tumingin ang babae sa kamao niyang nakakuyom.
Anong ginagawa ni Veronica dito? Ang pagkakaalam niya ay umalis na ito.

     "V-Vince, ayos ka lang?" tanong nito na mas lalo lang kinakuyom ng kamao niya.
   Marahas niya itong tiningnan, saka nag-iwas ng tingin sa babae at nagpatuloy sa paglalakad. 

   Kailangan niyang magalit rito, kailangan niyang palitan ng galit ang nararamdaman niya para kay Veronica. 

  "Vince, ano bang kasalanan ko bakit gan'yan ka sa akin?" Habol-habol ito ni Veronica. 

Pero hindi niya pa rin ito pinakinggan, patuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa makarating ito sa may hagdan.

  "Vince, sandali nga," inabot nito ang braso ng binata pero pumiglas ito, mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito kaya nang pumiglas ito ay natangay siya kaya naman hindi siya nakaapak sa susunod na baitang ng hagdan. Bagkos ay sa ikatlong baitang ng hakdan siya nakaapak kaya naman na buhos ang buong lakas niya doon at natapilok pa siya at nawalan ng lakas ang tuhod niya dahilan upang mawalan siya ng balanse at mabitawan nang tuluyan ang braso ni Vince.

    Pigil hiningang napapikit si Veronica at hinintay ang pagbagsak niya, pero napamulat siya ng animo tumigil ang oras dahil hindi siya tuluyang bumagsak at gumulong sa hagdan.

    Naramdaman niyang may humawak sa likuran ng kaniyang damit dahil humigpit ang kapit ng damit niya. Narinig pa niya ang unti-unting pagpunit niyon. Kaya hindi na siya gumalaw, natatakot siyang gumalaw. Napasigaw siya ng biglang hilahin siya ng tudo p'wersa kaya napasubsub ang likod niya sa katawan ni Vince. 

    Sinubukan niyang tumayo ng tuwid pero, muntik na siyang matumba ng maramdaman niya ang sakit ng kaniyang paa buti na lang ay naalalayan siya ni Vince.
   "Aray," bulalas pa niya. 

   "Are you okay?" Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Vince ng itanong iyon.
 Umiling si Veronica. 
  "I think I can't walk," aniya.

   "Shit!" Pagkasabing iyon ay pinangko siya nito na kinasinghap niya. Pero hindi na siya nagreklamo pa dahil hindi naman talaga siya makalakad. Napuruhan ng husto ang binti niya dahil sa pagkatapilok.

    Ipinasok siya ni Vince sa unit nito at nagmadaling kumuha ng ice-cube at nilagay sa ice bag at bumalik sa kinaroroonan ni Veronica, sa sala.
    Hinubad nito ang suot niyang sandal at nilapat ang ice bag sa napuruhang binti.

Deadly Sin Series: Veronica's love vengeanceWhere stories live. Discover now