Epilogue

308 9 2
                                    

   Epilogue
 
Seven months Later…
Nakatingin lang si Veronica sa mga punong kahoy sa harap ng veranda ng mansion ng Saadvedra. Habang hinihimas ang maumbok na tiyan niya, ito ang dahilan kung bakit kailangan niyang lumaban. Nagbunga ang matamis na pag-iibigan na pinagsaluhan nila ni Vince ng isang beses.
Isang buwan simula ng ilibing si Vince ay nalaman niyang nagdadalang tao siya. Kaya naisip niyang ipagpatuloy ang buhay at magpatawad hindi madali pero kinakaya niya.
Naisip niyang tama si Rosita na hindi maitatama ang isang kamalian sa isa pang kamalian. At hindi sagot ang paghihiganti para pagbayarin ang may kasalanan, dahil hindi natutulog ang diyos.
Walang mabuting maidudulot ang paghihiganti, bagkus ay nagpapalala lang ito ng sitwasyon at mag-uudyok sa 'yo para mahulog ka sa isang kasalanan. Sa ngayon ay nasa bilangguan na si Rafael. Mabibigat na kaso ang kinakaharap niya, hindi kayang tapalan ng pera niya. Habang buhay na pagkabilanggo ang sentensiya kay Rafael. Ang mga ari-arian naman ni Vince ay napunta sa mga Charity foundation. Ibibigay sana iyon sa tagapagmana ni Vince, ang anak niya, pero mas minabuti nang tanggihan ni Veronica iyon. Sapat na ang mga alaala ni Vince na puwede niyang ipamana at ikwentp sa anak niya.
“Anak,” tawag ni Rosita kay Veronica kaya naman napalingon si Veronica. “Oh, umiiyak ka na naman masama iyan sa baby mo, ikaw talaga.”
Ngumiti si Veronica, saka pinahid ang luha niya. Mukhang napalalim niya ang pag-iisip dahil hindi man lang niya namalayan na lumuluha na pala siya.
“May naalala lang ako, Mommy,” she said.
“Oh, siya halikana at naghihintay na si Grey sa 'yo,” anito saka nauna ng naglakad.
Tama si Grey, hindi man madaling maghilom ang sugat pero darating ang panahong iyon. Ramdam na niya ang unti-unting pagkawala ng ngutngot sa puso niya. At hindi na siya makapaghintay na dumating ang araw na maging isang masamang panaginip na lang ang lahat para sa kan'ya. At ang tungkol sa kanila ni Vince ay maging isang alaala na lang sa kaniya.
Ang lahat ng ito ay dahil sa dalawang taong nagparamdaman sa kaniya na kahit gaano man siya ka makasalanan ay mahal pa rin siya ng mga ito. Si Rosita at Grey na sa loob ng pitong buwan ay naging sandigan niya at naging cure niya sa sakit na pinagdaanan niya. Ang pagmamahal ng mga ito, nawalang segundong hindi nila pinaparamdam.
“Hai Ver are you ready?” Bati sa kaniya ni Grey na may ngiti sa labi.
Gumanti rin siya ng ngiti rito saka nagbeso sa lalaki.
“Aba, maganda na ang ngiti mo ngayon ah, abot na sa mata.” Puri pa nito.
“Ikaw talaga, puro ka bola. Nakakainis.”
Tawanan naman ang namayqni sa loob ng living area.
Napagpasyahan niyang sumama kay Grey sa London. Sinubukan rin niyang pagbigyan ang pag-ibig nito. Ayaw niya sanang magkaroon pa sila ng ugnayan ni Grey dahil ayaw niyang saktan ito. At isa pa hindi deserve ni Grey ang isang katulad niya. Pero mapilit si Grey, anito handa daw siyang maging instrumento para makalimutan nito ang nakaraan niya. Handa raw siyang magpagamit hanggang sa gumaling ang puso niya. At handa siyang tanggapin nito anuman ang nakaraan niya. At mamahalin nito ang anak niya at itituring na sariling dugo at laman.
Nangako rin siya sa sarili na kapag nangyari ang araw na tuluyan nang maghilom ang sugat sa puso niya ay mananatili pa rin siya sa tabi ni Grey at tuturuan ang sariling mahalin siya. Which is deserve ni Grey. Hindi naman mahirap mahalin si Grey, at nakita niya ang posibilidad na iyon sa loob ng pitong buwang kasama niya ito. Panatag si Veronica na kasama ito, pakiramdam niya safe siya sa piling ni Grey.
“Mamimis ko kayo,” naiiyak na sabi ni Rosita.
“Sabi ko naman sa 'yong sumama ka, ayaw mo naman,” nakapout na sabi ni Veronica.
“Susunod na lang ako, kapag ikakasal na kayo.” Nakangiting saad nito.
“Naku, mukhang susunod ka yata agad Tita because that day will soon to happen,” anang Grey naman.
Kinikilig naman na ngumiti si Rosita.
“Talaga? I can't wait to walk in the aisle and give you the hand of may unika ija.”
Nagtawanan na naman ang mga ito.
“Basta Mommy, kapag malapit na akong manganak sumunod ka. Gusto ko ikaw ang kasama mo.sa panganganak ko.”
“Paano ako?” singit ni Grey.
“E ‘di sumama ka na rin para masaya.”
Muli na naman silang nagtawanan. Tawanan na puno ng kumpiyansa. Kumpiyansang mabubuhay na sila ng tahimik at walang gulo. Tawanang may kapanatagan.
Napatingin si Veronica sa ina-inahan niya. Alam niya, ramdam niya na kahit pa man hindi siya tunay na anak nito ay mahal siya nito at nagpapasalamat siya roon, lalong lalo na sa lalaking katabi niya na masayang nakangiti.
“Pangako Grey, hindi kita bibiguin,” bulong ng isip niya.
Maaga pa bago ang flight nila kaya nakiusap muna si Veronica kay Grey na kung p'wede dumaan muna sila sa sementeryo at magpaalam kay Vince na sinang-ayunan naman ni Grey.
“Vince, ito nga pala si Grey,” pakilala ni Veronica kay Grey sa harap ng puntod ni Vince. “Siya ang taong mag-aalaga sa amin ng anak natin. Pasensya ka na huh? Pero kailangan ko kasi ng masasandalan, Vince, ‘wag kang mag-alala alam kong aalagaan at po-protektahan kami ni Grey.” Tumulo na ang luha ni Veronica.
“'Wag kang mag-alala pare, aalagaan ko sila at mamahalin ng higit pa sa buhay ko,” anang Grey. Umakbay siya kay Veronica at hinimas ang kabilang balikat nito.
Napasandal na rin si Veronica sa balikat ni Grey.
“Aalis ako sasama ako sa kan'ya for good. Kailangan ko ring lumayo para mas madali akong makarecover. At…at para ilayo ang anak natin sa masasamang alaala ko dito. Mahal kita, Vince hindi ka mawawala sa puso ko. Kahit magmahal pa ako ng iba hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa 'yo. Salamat sa pagmamahal mo at salamat sa batang iniwan mo na magpapanatili ng magandang alaala natin. Paalam Vince.”
Tumalikod na si Veronica kasama si Grey na nakaalalay sa kan'ya. Kasabay ng pagtalikod niya ay ang pagtalikod niya rin sa masamang siya.
Pagkatapos kay Vince ay sa Nanay naman niya siya pumunta para makapagpaalam at ipakilala si Grey. Hindi na sila nagtagal at umalis na sila.
Lihim niyang ipinagdarasal na sana maging tahimik ang buhay nila ni Grey sa London. Sana maging masaya siya kasama ang anak niya, kasama si Grey.
 
   The end…
 

This story will soon to have a physical book, yes magiging libro po ito sa 2023. Kung gusto niyo pong magkaroon ng ganito, just stay tune lang po, sa Facebook page ko https://www.facebook.com/Lovemarian021822 para sa announcement or updates. Baka magpapa give away ako nito.

****
Thank you for reading love readers. I love you.

Please visit my official facebook page
@Love marian https://www.facebook.com/Lovemarian021822

And also on my Instagram and tiktok account. @Lovemarian_author

For more updates.  Luv yahhhhh

🎉 Tapos mo nang basahin ang Deadly Sin Series: Veronica's love vengeance 🎉
Deadly Sin Series: Veronica's love vengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon