Chapter 8 ^SpG ahead^

245 6 0
                                    

  Naglalakad si Veronica sa pasilyo ng building ng Saavedra's food corporation o SFC, patungo sa kaniyang opisina. 

     Nang dumaan siya sa table ng kaniyang secretary ay napahinto siya ng tinawag siya nito. 
  
      "Ma'am, may nagpapabigay po nito," anang secretary saka may inabot na isang bouquet ng tulips flower na kulay yellow.

    Napakunot noo siya ng tanggapin iyon.

    "Kanino daw galing?" Takang tanong niya.

   "Wala pong sinabi ang nagdeliver, ang sabi lang niya ibigay daw po sa iyo," sagot naman ng sekretarya. 

    Tumango lang siya saka nagpatuloy na sa loob ng opisina niya.

    Nagtataka siya kung sino ang nagbigay ng mga bulaklak na iyon. Sa pagkakaalam niya si Grey lang naman ang laging nagbibigay sa kaniya ng mga gano'n.  Pero wala na si grey at nasa ibang bansa na ito. Kaya nakapagtataka. 

    Inilapag niya ang bulaklak sa kaniyang executive table, saka umupo sa swivel habang nakatitig sa bulaklak. Hanggang sa may nakita siyang card sa gitna ng pumpon ng bulaklak. Kinuha niya iyon saka binasa.

    "Hi baby, beautiful flower for a beautiful lady like you. I hope you like it, mind if you join me tonight at my place." 

    Love,
Rafael.

   Basa niya sa sulat na naroon. Napabuntonghininga siya saka umiling. Tumayo siya at kinuha ang bulaklak sa ibabaw ng mesa at mabilis na dinala at pabagsak na tinapon sa basurahan.

   "Fool," aniya saka muling naglakad pabalik sa upuan.

   Hinarap niya ang kaniyang computer at nagsimula na niyang i-open iyon para simulan ang tambak na gawain. Ngunit napatigil siya ng tumunog ang kaniyang cellphone na noo'y nasa bulsa pa ng kaniyang suot na pink blazer. 

     Dinukot niya iyon habang ang mga mata ay nakatingin sa computer. 

    Pinindot ni Veronica ang answer button ng hindi tinitingnan ang aparato at dinala sa tainga.

   "Hello, Veronica speaking, how can I help you," aniya.

    "Hi, what a lovely voice. I missed you." Napakunot noo siya at napatigil ng makilala ang boses ng kabilang linya. 

    She rolled her eyes with irritation.

 "Rafael?" Kunway surprised niyang saad.

  "Do you like the flowers I've sent?" 

   Tiningnan muna niya ang bulaklak na nasa basurahan bago sumagot.

    "Yes, it's so lovely, thank you. I really love it." Pinasigla niya ang kaniyang boses para hindi nito maramdaman ang inis niya.  

   Wala siya sa mood makipag landian kay Rafael dahil sa dami ng iniisip niyang trabaho ngayong araw. Tambak siya ng trabaho ngayon kaya, isipin niya pa lang ay nanghihina na siya. 

     "Good to hear that…" anang kabilang linya. 

  Hindi sumagot si Veronica dahil batid niyang may iba pa itong gustong sabihin at hindi nga siya nagkamali.

    "May I know your answer about my invitation?" 
 
    "Actually, Rafael, I have a lot of work to do, but if you can wait, maybe I can join you," sagot niya. 

Ramdam niya ang pagngisi ng nasa kabilang linya, dahil narinig niya ang hininga nito.

   "Sure, I will wait because I really miss you, baby," anang Rafael na kinangilabot ng sistema niya.

Deadly Sin Series: Veronica's love vengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon