Chapter 18

178 2 0
                                    

Chapter 18

NAPABALIKWAS ng bangon si Vince ng marinig ang ugong ng familiar na tunog ng sasakyan mula sa labas. Kanina pa siya nagising at pinagmamasdan lang niya ang mahimbing na natutulog na si Veronica sa tabi niya.

Tumayo siya at sumilip sa bintana. May nakita siyang dalawang kotse sa labas, kotse iyon ng Papa niya. Nakita niya itong lumabas ng kotse na may kasamang mga tauhan. Napakunot noo siya, ang alam niya nahuli ng mga pulis ang papa niya. Pero bakit ito ngayon nandito? Ginamit rin kaya niya ang connection niya para makalaya? Alam niyang hinahanap nito si Veronica.

Mabilis siyang lumayo sa bintana at tumungo sa kama kung saan naroon ang natutulog na si Veronica.

"Veronica, Veronica." Tinapik niya ang balikat nito para gisingin. Pero wala siyang makitang response rito.

"Veron, gising..." pukaw ulit niya.

Sa mukha na niya ito tinapik kaya napaungol si Veronica.

"Hmm, bakit? I'm still sleepy," anang Veronica na nakapikit pa rin ang mga mata.

"Bumangon ka at magbihis nandito si Papa, alam kong ikaw ang sad'ya niya."

Pagkarinig ni Veronica sa sinabi ni Vince ay napabalikwas siya ng bangon.

"Ano?"

"Magbihis ka na itatakas kita..." anang Vince saka tinungo ang pinto at ni lock. Dinampot rin niya ang mga damit sa sahig saka mabilis na sinuot. Si Veronica naman ay hindi magkamayaw dahil hindi niya alam anong susuotin dahil napunit na ang damit niya.

"Vince, wala na akong damit," aniya kay Vince.

Mabilis namang tumungo si Vince sa cabinet na naroon at kumuha ng t-shirt at short niya.

"Ito," saka binigay kay Veronica. "Iyan lang ang sa tingin ko magkakasya sa 'yo."

"Vince!"

Sabay silang napatingin sa bintana ng marinig ang sigaw ni Rafael sa labas.

"Ilabas mo si Veronica, akin siya! Alam kong nand'yan kayo!" Sigaw ulit nito.

Mas lalo lang binilisan ni Veronica ang pagsusuot ng damit. At ng matapos ay napatakbo siya sa gawi ni Vince sa may bintana at kumapit sa braso nito. Hinawakan rin ni Vince ang palad niya ng tumingin siya rito.

"Vince, 'wag mo akong ibigay please," naiiyak na sabi ni Veronica.

Tumango naman si Vince saka hinalikan siya sa noo.

"Akin ka lang kaya hindi kita ibibigay, halika na," anang Vince saka inakay si Veronica palabas ng kuwarto.

Pero muli silang pumasok sa loob ng makita sa ibaba ang papasok na mga tauhan ng ama. Muling ni lock ni Vince ang pinto. Humigpit naman ang pagkakahawak ni Vince sa kamay ni Veronica.

"Anong gagawim natin?"

"Sa balcony," anang Vince saka hinila na si Veronica.

"Nasa likod na bahagi ng bahay ang balcony kaya hindi sila makikita ni Rafael. Narinig pa nila ang pagkalabog ng pinto na mas nagpatindi ng ķaba ni Veronica.

"Sandali lang," anang Vince at muling bumalik sa kuwarto para kunin ang itinagong baril sa cabinet at muling binalikan si Veronica.

"Tatalon ba tayo?" Kinakabahang tanong ni Veronica.

Tumango si Vince.

"Oo, kaya lang iyan dahil mababa lang. Ako ang mauuna sasaluhin kita," anang Vince saka umakyat na sa siding ng balcony at umapak sa beam na naroon sa labas ng siding.

Deadly Sin Series: Veronica's love vengeanceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora