Chapter 11

149 3 0
                                    

Mas lalo lang tuloy nagulo ang isip ni Vince. Oo, hindi na siya one-hundred percent sure kung handa na ba siyang maging asawa si Xandra.

      But everything is ready, everyone knows. Kung aatras siya mapapahiya ang pamilya niya, mapapahiya ang pamilya ni Xandra. Lalong lalo na masasaktan si Xandra. 

    He loved Xandra for such a long time, matagal na ang relasyon nila. Pero bakit ngayong dumating ang isang Veronica ay naging alanganin ang lahat. 

   Hindi na niya muli pang nilingon si Veronica at nagpatuloy lang sa paglakad palabas. 

    Ngayon pa lang dapat kalimutan na niya si Veronica, ngayon pa lang na hindi pa malala ang pagtataksil niya sa nobya niya ay puputulin na niya. 

     Pinapanood lang ni Veronica ang papalayong pigura ni Vince. Napabuntonghininga siya saka mabilis na tinungo ang kaniyang ref at kumuha ng isang canned bear. Pagkabukas niya ng canned bear ay sunod-sunod na lumagok si Veronica saka itinapon kung saan.

    Galit siya sa sarili dahil sa nararamdaman niya kanina. Hindi niya dapat maramdaman iyon, mali ang nararamdaman niya. 
    Ibinaling niya ang isipin sa naging reaction ni Vince sa huling sinabi niya. Parang pinuputol na ni Vince ang maliit na namamagitan sa kanila.

    "Hahanap hanapin mo rin ang halik ko Vince," pabulong niyang sabi.

   Lumipas ang mga araw ay hindi na niya nakikita at nakakausap si Vince. Alam niyang nakatira pa rin ito sa unit niya dahil nagtanong siya sa guard. Mukhang iniiwasan siya ni Vince.

     Napatigil siya sa bukana ng building, papalabas na siya ng makita si Vince na nagbibigay instructions sa isang tauhan.

   "Hi, Vince," bati ni Veronica ng makalapit.

    Tumango lang si Vince sa kaniya saka bumalik ang attention sa kausap nito. Napangiwi naman si Veronica sa asal ni Vince. Kaya dumiretso na siya sa parking lot at pabagsak na sinara ang pinto. 

    "Nagmamatigas ka Vince?" tanong niya kahit wala naman siyang kausap.

   Pinahaharorot na niya ang sasakyan patungo sa lugar na napag-usapan nila ni Rafael. Magde-date daw kasi sila ngayon. 

     Ilang saglit lang ay nakarating na siya sa isang pinakasikat at mamahaling restaurants sa metro Manila. Agad niyang nakita ang kinaroroonan ni Rafael dahil sinabi na rin nito. Napangiti naman si Rafael ng makita si Veronica na naglalakad patungo sa kaniya.

   "Hi baby," aniya, saka inilahad ang dalawang braso na tinanggap naman ni Veronica at nakipaghalikan rito. 
   Wala masyadong tao sa lugar na iyon, may iilan pero alam nilang hindi sila mapapansin ng mga ito sa paglalampungan nila.

    Si Veronica na ang kusang lumayo ng bahagya sa paghahalikan nila dahil naging mapusok na si Rafael.

   " Let's eat? Gutom na ako eh," palusot ni Veronica. 

   "Sure, sure," anang Rafael naman saka pinaghila siya ng upuan.

    Mayamaya lang ay may isang waiter na naglapag ng makakain sa kanila. At ng wine.
   "I miss you, Veronica. Masyado kang busy this fast few days, hindi ka na dumadalaw sa office ko. Nakakatampo ka." Animo bata na nagtatampong saad ni Rafael.

   "Ohw, I miss you too. I'm sorry, my dear," anang Veronica, saka hinaplos ang mukha ni Rafael na kinatuwa ng huli. 

  Kailangan niyang sakyan ang kaartehan ng matanda. Nang ilayo niya ang palad sa mukha nito ay dinala niya sa kaniyang bibig ang wine glass na may lamang red wine.

Deadly Sin Series: Veronica's love vengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon