Chapter 5

169 3 0
                                    

Si Xandra iyon. Humakbang ito palabas ng elevator at tumigil sa harap ni Veronica.

   "What are you doing here?" Mataray na tanong ng babae 

   "Why?" Nakataas ang isang kilay na sabi ni Veronica. 
    Wala siya sa mood ngayon dahil sa nangyari kanina, at ito na naman ang over possessive fiancée ni Vince.

   "What, why?" Nakakunot ang noo na tanong nito, saka humalukipkip.

   "Never mind, let's go Leah," aniya saka nilagpasan na si Xandra na nakaawang lang ang bibig dahil sa sagot ni Veronica.

   Wala na siyang panahon para makipagtalo na naman sa walang kabuluhang bagay.

    SAMANTALA. Nasa opisina ni Don Rafael si Vince, pagkatapos ng eksena kanina ay agad na silang dumeretso sa opisina nito.

  "Mukhang protective ka yata kay Miss Veronica Saavedra Papa," sabi ni Vince matapos maglagay ng red wine sa mga wine glass nila. 

   Inabot niya sa ama na noo'y nakaupo sa executive chair ang isang baso ng alak na tinanggap naman ng ama.

   "Hmm, it's nothing son," nakangiting saad nito ng tanggapin ang wine glass 

   "Anong it's nothing? I saw how your eyes sparkling when she gave you her sweet smile. You can't fool me father." Natatawang saad ni Vince. 

Kilala niya ang ama pagdating sa mga babae, isang ngiti lang ng mga ito bibigay na ang ama, lalo na kung kagaya kay Veronica. Sexy, pretty face and a sophisticated young lady.

"Ok fine, I found her attractive," anito saka tinunga ang laman ng wine glass nito. 

Napapailing na lang si Vince sa sagot ng ama and chuckled gano'n rin ang ginawa ng ama nito.

  Pareho naman silang napatigil ng biglang bumukas ang pinto at isang nakangiting babae ang bumungad roon.  

  "Hai baby…" tili ng babae, excited pa itong tumakbo sa gawi ng fiancé saka ginawaran ng halik ang binata.

  "Hey, what's bring you here?" Masayang tanong ni Vince ng yakapin ang nobya at halik halikan ang noo nito.

  "Hmm, I just miss you." Malambing naman na tugon ng babae.

  "Agad-agad? Kahapon lang tayo nagkita eh," anang Vince.
   
  "Kahit na I miss you pa rin. Ikaw ba na miss mo ako?" tanong nito na nakapout pa, nanatili pa rin silang nakayakap sa isa't isa.

  "Sshh, umalis nga kayo dito sa opisina ko, dito pa talaga kayo naghaharutan, huh." Kunway galit na wika ni Rafael sa mga ito, na kinatawa lang rin nila. 

  "Halika na sa labas, naiinggit na naman si papa. Balibhasa natuyuan na." Pagkasabi niyon ay mabilis na hinila nito ang kasintahan palabas habang hinahabol naman sila ng ballpen na binato ni Don Rafael na siyang unang nadampot nito.

 Umalingaw-ngaw naman ang tawanan ng magkasintahan bago tuluyang makalabas ng opisina. 

 Naiwang umiiling na lamang si Don Rafael, habang may ngiti sa mga labi.

 Hindi niya mapigilan ang muling paglandas ng nakangiting imahe ni Veronica sa kaniyang balintataw. Animo may sariling isip rin ang kaniyang mga labi ng kusa itong ngumiti.

   "Veronica, Veronica…" aniya saka sumandal sa swivel chair nito at pinaikot-ikot iyon.

Naaalala niya ang kakaibang ngiti ni Veronica na nagpapagaan ng damdamin niya. Ang mga mata nitong kahit anong pigil niya ay naakit siya, dahil animo nang-aakit ito. 
 Naipilig ng Don ang ulo sa mga isiping iyon. 

Deadly Sin Series: Veronica's love vengeanceWhere stories live. Discover now