Chapter 20

210 5 0
                                    

Chapter 20

PAGDATING nila sa kuwartong kinalalagyan ni Vince ay agad sumalubong sa kanila ang malamig na paligid. Tanaw ni Veronica ang nag-iisang bangkay roon na natatakpan ng puting kumot.

Dahan-dahang humakbang si Veronica at bawat hakbang niya ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman niya na halos hindi na niya kaya pang humakbang. Nanghihina ang bawat ugat niya sa katawan, nanginginig ang mga kamay niya ng dalhin niya iyon sa labi niya.

Dahan-dahang binaba ni Veronica ang kumot nito at nakita niya ang namumutlang mukha ni Vince. Halos panawan siya ng ulirat ng makita ang walang buhay na si Vince. Buti na lang at naalalayan siya ni Rosita na nakasunod lang pala sa kaniya.

“Mommy, s-si Vince.”

“Alam ko, Anak alam ko,” anang Rosita habang hinihimas ang likod ng anak.

Nanginginig ang kamay ni Veronica ng haplusin niya ang malamig na mukha ni Vince.

“Vince,” tawag niya rito saka tinapik ang pisngi nito. “Gumising ka na, kailangan kita Vince. Kailangan ko pang pagbayaran ang kasalanan ko sa 'yo. Kailangan mo pa akong parusahan dahil sa sakit na dinulot ko sa 'yo. Vince umuwi ka na sa unit mo dahil uuwi na rin ako.”

Umiiyak si Veronica pero wala nang tumulong luha sa mga mata ni Veronica dahil marahil naubos na iyon. Pero ang sakit sa puso niya ay hindi niya alam kung kailan mauubos.

Nasasaktan rin si Rosita sa nakikitang paghihirap ng anak. Masyado ng maraming sakit na pinagdaanan si Veronica.

“Vince,” tawag niya ulit ng hindi ito sumasagot.

“V-Veronica wala na si Vince,” anang Rosita na hindi na rin mapigilan ang mapaiyak dahil sa nakikitang pagdurusa ng anak.

“No, No!” Sigaw niya saka niyugyog niya si Vince at niyakap ang malamig nitong bangkay at hinalikan ang pisngi nito.

“Vince gumising ka please, Vince maawa ka naman sa akin. 'Wag mo akong parusahan sa ganitong paraan, sobrang sakit Vince.”

“Vince?” Napatigil si Veronica ng may marinig na familyar na boses.

Naramdaman rin niya ang paghila sa kan'ya para malayo kay Vince.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Veronica dahilan para mapasubsob siya sa sahig dahil wala na rin siyang lakas. Mabilis naman siyang dinaluhan ng ina.

“Kasalanan mo lahat ng ito!” sigaw ni Xandra saka dinuro siya. “Kung hindi dahil d'yan sa walang kwentang paghihiganti mo hindi sana namatay si Vince, buhay pa sana siya ngayon, magkasama pa sana kami! Sana mamatay ka na rin, total hindi rin kayo magkikita ni Vince sa kabilang buhay. Dahil si Vince sa langit habang ikaw ay sa impyerno ang bagsak mo!”

Galit na galit ang mukha ni Xandra, habang tumutulo ang luha nito.

“Tama na Xandra!” Sigaw rin ni Rosita. “Kung may kasalanan man sa lahat ng ito hindi si Veronica iyon, kun'di ang demonyong Rafael na iyon.”

“Dahil sa ginawa niya para na ring siya ang pumatay kay Vince. Kung nasa piling ko pa sana si Vince masaya sana siya ngayon at wala dito sa kuwartong ito at wala ng buhay. Inocente si Vince para idamay niya sa paghihiganti niya.” Mariing sabi ni Xandra na nag-animo punyal na sumaksak sa puso ni Veronica ng paulit-ulit.

“Kaya kasalanan mo ang lahat ng ito Veronica! Makasarili ka!” Muling sigaw ni Xandra.

Tagos sa buto niya ang mga katagang iyon dahil lahat ng binitawang salita ni Xandra, lahat ay totoo. Lahat ng pinamukha sa kaniya ni Xandra ay totoo.

Deadly Sin Series: Veronica's love vengeanceWhere stories live. Discover now