Chapter 10

205 6 0
                                    

Alas tres na ng umaga nakauwi si Veronica, papalabas na siya ng elevator patungo sa kaniyang unit. Habang naglalakad ay hinimashimas pa niya ang kaniyang batok dahil sa ngalay. 

     Feeling niya lasing siya, sobrang pagod ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, saka gutom na gutom na siya. Hindi na kasi siya dumaan pa sa restaurant dahil tinatamad na siya. Matutulog na muna siya bago siya kakain.

    Habang pinipindot ni Veronica ang password ng kaniyang unit ay napatigil siya ng biglang bumukas ang katabi nitong unit.

    May bago na pala akong kapitbahay? aniya sa isip.

    Unoccupied kasi iyon no'ng unang araw niya sa condong iyon.

  Hinintay niya munang lumabas ang kung sinong may-ari ng unit. Lumalim pa ang gitla ng noo niya ng makilala ang lalaking naka kulay puting t-shirt at naka pajama na pantulog.

   "Vince?" sambit niya sa pangalan ng lalaki.

   May bitbit itong isang maitim na garbage plastic. Magulo ang buhok nito pero hot pa rin itong tingnan. Actually bagay sa kaniya ang nakapantulog lang tapos puti ang shirt nito na medyo maluwang dito. Nag-animo inosente pero hot ang dating ng lalaki. 
       Nang lumingon si Vince kay Veronica at bumalatay ang gulat nito sa mukha.

  "Veronica?" 

   Nakangiti namang tumango si Veronica. Iwan ba niya pero nang makita niya ang lalaki ay parang hindi siya gutom at hindi inaantok. In short, nawala ang pagod niya.

    "It's me," aniya.
Tiningnan siya ni Vince mula ulo hanggang paa pabalik ulit sa mukha nito.

  "Diyan ka ba nakatira?" tanong nito.

Tumango ulit si Veronica, tumango rin si Vince.
     Hindi tuloy maiwasan ni Veronica na isipin na baka sinusundan siya ni Vince. Lalo na ngayon na magkapitbahay na sila.

  "Papunta ka na sa work mo? Ang aga mo yata?" 
  Napakamot si Veronica sa tanong ni Vince. 

  "Actually, kakarating ko lang from work," pag-amin nito na kinagulat naman ni Vince.

  "Really? Masyado mo na yatang sineseryoso ang pagiging CEO mo, ah," he said with a smile.

   "I need to, ayaw ko namang magsisi si Mommy sa desisyon niya. I just want her to be proud of me," saad nito.

   Vince nodded. "Sa ginagawa mong iyan sure akong proud na iyon sa 'yo."

   Lumapad ang pagkakangiti ni Veronica dahil sa sinabi ni Vince.

  "Pero a piece of advice lang, 'wag mong masyadong sagarin sa trabaho ang katawan mo, iyan lang ang puhonan natin," anito saka ngumiti.

   "Salamat sa advice, adviser ka pala," himig nagbibirong saad nito sa huling sinabi na kinatawa ng huli.

   "Sige pasok na ako," paalam niya saka tinulak ang pinto ng unit niya ng tumango si Vince.

   Isang ngiti pa ang binigay niya rito at tuluyan na siyang pumasok. 

   Mabilis siyang umakyat sa kaniyang silid at pabagsak na inihiga ang katawan sa malambot niyang kama. Pagkalapat ng likod niya sa kama ay bumalik ang antok niya. 

   "This is heaven," aniya saka pinikit ang mga mata at tuluyan na ngang hinila ng antok si Veronica.

   Nagising si Veronica dahil sa tindi ng init mula sa sinag ng araw na pumasok sa kuwarto niya. Hindi  pala niya naisara ang ang kurtina ng glass wall niya.

  Itinaas niya ang kumot niya at nagtalukbong at sinubukang muling matulog, pero napabalikwas siya ng bangon ng maalala na may meeting nga pala siya ngayong araw. Agad niyang cheneck ang orasan at gano'n na lang ang pagkabigla niya ng ala una na pala ng hapon. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at nakita ang maraming missed calls ni Leah, pati na nga kay Rafael, meron ring isa galing sa Mommy niya.

Deadly Sin Series: Veronica's love vengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon