Chapter 13

158 3 0
                                    

   "Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Vince nang makababa na sila sa kotse nito.

 Alas sais na ng gabi nang makauwi sila galing sa hiking.

  "Saan? Sa hiking o sa…" sinadyang ibitin ni Veronica ang susunod sanang sasabihin niya, to tease Vince sa pinagsaluhan nila kanina sa tuktok ng bundok.

Natawa naman si Vince ng ma-gets ang gustong sabihin ni Veronica, tumawa na rin si Veronica.

"You can choose kung saan doon," ganting tudyo nito.

"I think…" 

  "Mga hayop kayo, sinasabi ko na nga ba!" 

 Napatigil silang dalawa at napatingin sa galit na may-ari ng boses.

 "Xandra," tanging namutawi sa bibig ni Vince ng makita ang nobya na papalapit sa kanila.

Rumihestro sa mukha ng lalaki ang gulat at kaba.

 "What is this all about Vince?!" Mariing tanong ni Xandra sa nobyo ng makalapit.

 "Xandra, let's go upstairs," anang Vince saka inabot ang braso ni Xandra. 

Nasa parking lot pa sila ng mga sandaling iyon. May iilang tao na ring nagsidatingan at ang iba ay ang iba paalis. Hindi naman gano'n ka dami pero ayaw pa rin ni Vince na maging topic sila.

   Nagpumiglas si Xandra. "No!" 

  "Not here please,"

  "Kaya ba Vince? Kaya ba nanlalamig ka sa akin? Kaya ba halos ayaw mo na akong kausapin?" Nangingilid na ang luha ni Xandra habang binabanggit ang mga katagang iyon. "Kaya ba ni text o tawag hindi mo na magawa, na dati madalas mo  namang  ginagawa? Dahil ba sa babaeng 'yan?" Dinuro ni Xandra si Veronica na noo'y nakatingin lang sa kanila. Expressionless ang mukha.

  "No, it's not that,"

  "Shut up! Hindi ako tanga para hindi maramdaman 'yon, Vince. Ilang taon na tayo, ilang taon kong pinaramdam na mahal kita. Ilang taon akong naging possessive dahil sa pagmamahal ko sa 'yo." Pumiyok na ang boses ni Xandra sa mga sandaling iyon at tuluyang kumuwala ang mga luha nito dahil sa sakit na nararamdaman niya.

  Purong sakit ang nararamdaman nito, kanina pa siya tawag ng tawag kay Vince laging out of coverage. Kanina pa siya pabalik balik sa unit nito wala pa rin. At sa itsura ng mga ito, ay parang may ginawa talaga silang kinakasiya nila habang siya hindi unti-unti ng nadudurog.

   "Vince bakit? We've been  together for such a long time, bakit ipagpapalit mo lang ako sa babaeng iyan. Dahil ba… dahil ba nabibigay n-niya ang bagay na hindi ko maibigay?" Nanginginig ang mga labi ni Xandra habang binabanggit ang salitang iyon. Dahil bawat bitiw niya ng mga salita ay siya namang animo punyal na tumarak sa puso niya. "I-I was thought you understand, Vince ilang linggo na lang ikakasal na tayo, maibibigay ko na rin ang matagal nating iniingatan, pero what is this?!" 

    Napatingin naman si Veronica kay Xandra na tumutulo na ng sunod-sunod ang luha nito. Hindi siya makapaniwala na sa mahabang panahon na magkasama si Vince at Xandra wala pang nangyari sa kanila. 

   "Xandra naman hindi naman sa…" 

Napatigil sa Vince ng iharap ni Xandra ang cellphone niya. May picture roon na kuha kanina, he saw himself kissing Veronica. The capture was so clear that even he, recognized himself.

   "Don't try to cover up your betrayal with a lie, Vince…" pagkasabing iyon ay bumaling siya kay Veronica na nasa gilid lang ni Vince.

    "Higad ka talaga, mang-aagaw!" 

Deadly Sin Series: Veronica's love vengeanceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora