Chapter 19

166 3 0
                                    

Chapter 19

“V-Veronica…”

“V-Vince!” Sigaw ni Veronica ng makita ang dugo sa dibdib ni Vince na tinagusan ng bala mula sa likod nito.

Nanginginig ang mga kamay niya na kinapa ang naghugis tatlong bilog na dugo at unti-unting kumalat iyon sa damit niya. Animo bumagal ang takbo ng oras niya dahil sa nakikita. Lumakas rin ang tibok ng puso niya na halos ikabingi na niya ang lakas niyon.

“N-no, no…” Napapaiyak na si Veronica dahil sa nakikita niya.

Hindi niya kakayanin kapag nawala si Vince sa kan'ya.

Nanatili pa ring nakatayo si Vince sa harap niya, nagsilabasan na rin ang dugo nito sa bibig. Itinaas ni Vince ang kan'yang isang kamay at hinaplos ang mukha ni Veronica.

“K-kahit anong gawin mong kasalanan, Mahal pa rin kita,” anang Vince.

“Vince,” napakagat labi si Veronica dahil sa narinig niya kaya niyakap  niya si Vince, hanggang sa maramdaman niya ang unti-unting pagbagsak ng katawan ni Vince. Napaupo na siya habang yakap pa rin ang duguang lalaki.

“No!” Sigaw niya.

Sa ikalawang pagkakataon, nararamdaman na naman niya ang sakit at takot na baka mawala ang taong mahal niya.

“Itaas mo ang kamay mo, Mr. Rafael Madrigal!” Sigaw ng isang police ng makababa sa patrol car.

Pagkatapos ng sigaw ng pulis ay hindi na pinansin ni Veronica ang kaguluhan sa paligid.

“Vince, lumaban ka please huwag mo naman akong iwan oh. Huh, kumapit ka.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Vince.

Unti-unti nang pumipikit ang mga mata ni Vince, gumuhit pa ang isang ngiti sa labi nito hanggang sa lumalay na ang ulo niya at tuluyan  ang ipinikit ang mga mata.

“Vince, gumising ka please. Vince naman eh, ayos lang sa akin na pagsabihan mo ako ng kung ano-ano. Kahit sampalin mo pa ako ng ilang beses ayos lang sa akin kasi deserve ko iyon, basta gumising ka lang Vince. Mahal kita mahal na mahal kita.” Napasubsub si Veronica sa leeg ni Vince habang yakap-yakap ito.

Hindi maipaliwanag ni Veronica ang sakit na nararamdaman niya habang nakikita si Vince na hindi na sumasagot sa mga sinasabi niya.

Isinakay na si Vince sa ambulance at lulan rin si Veronica ng ambulance. Hindi siya madasaling tao pero nagawa niyang ipagdasal ang kaligtasan ni Vince.

“Diyos ko, kung gaano man kalaki ang kasalan na nagawa ko please naman ako na lang po ang parusahan niyo. Buhay ko na lang po ang kunin mo, 'wag lang po ang buhay ni Vince dahil may mabuti po siyang puso. Nagmamakaawa po ako, hindi ko po kakayanin.”

Parang bumalik ang sakit na naramdaman ni Veronica no'ng panahong namatay ang Nanay niya, domoble pa. At ang lahat ng ito ay dahil pa rin kay Rafael, at dahil na rin sa kan'ya.

“Ma'am, hindi na po kayo p'wedeng pumasok hanggang dito na lang po kayo,” sabi ng isang nurse sa kaniya ng ipasok na sa ICU si Vince.

Wala siyang magawa kun'di ang ihatid ng tingin si Vince na nakahiga sa stretcher, hanggang sa sumara na ang pinto ng ICU.

Pero bago pa man tuluyang sumara ang pinto ay nakita niya si Vince na nakangiti at nakatingin sa kan’ya.

“Vince…”

Napaluhod siya dahil sa panghihinang naramdaman niya, ayaw pa ring tumigil sa pagtulo ang luha niya. Bawat segundong dumadaan ay patindi ng patindi ang nararamdaman niyang kaba para sa kaligtasan ni Vince. Pasikip rin ng pasikip ang dibdib niya. Napahilamos na lamang siya sa kaniyang mukha saka humikbi.

Deadly Sin Series: Veronica's love vengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon