Chapter 32

13.2K 620 322
                                    

"Miss Montanez? Good morning. Your mother called me. Nakauwi ka na pala sa Pilipinas?"

Pinigilan kong humikab bago ko sagutin ang tanong sa akin ni attorney.

"Temporarily po. 3 months lang ako dito."

"Then we should get started with the paperwork. How soon do you think we can meet up to personally check the condition of the house?"

Napaisip ako saglit. Day-off ko naman ngayon at bukas. Nasa karatig probinsya lang ang La Union kaya pwede kong puntahan.

"Lilinisin ko muna, Attorney. Nakakahiya naman," I laughed awkwardly. "Siguro po next week?"

"Sure, just call me." He said and ended the call.

I sighed and stretched. Inabot ako ng madaling araw kaka-research sa mga prospects namin pero ni isa, wala akong mahagilap na kahit anong contact information. Karamihan sa kanila, walang mga social media accounts at talagang mailap sa publiko. Nakikita lang ang mga pangalan nila kapag sini-search ang surname pati na rin ang mga picture. Kinakabahan ulit ako dahil hindi ko pa alam kung paano kami magsisimula dito.

Pinilit ko ang sarili na bumangon at gumalaw. I changed into a pair of black leggings and a pink athletic shirt. Nagsuot din ako ng running shoes at itinali ang buhok ko. Na-impluwensiyahan ako ni Sonny na mag-workout at mag-jogging nung nasa Amerika kami. Dahil si Mama naman ang nag-aalaga sa aming tatlo, nawala ang responsibilidad ko sa kanilang dalawa at marami na akong free time para sa sarili kaya sinasabayan ko si Sonny kapag nagj-jogging siya o di kaya'y nagpupunta sa gym. I didn't have to worry about being a girl in a gym because my brother was with me.

Naalala kong kailangan ko nga palang maghanap ng malapit na gym dito dahil mag-i-isang linggo na akong hindi nakakapag-workout sa sobrang busy ng transition.

I went outside and jogged for about two hours. Pawis na pawis ako pagbalik. Kaagad akong naligo. Wala naman akong ganang kumain ng heavy breakfast kaya nag-fruit shake nalang ako gamit ang binili kong single blender kahapon sa clearance sale ng mall.

Nag-ayos na din ako at lumabas, suot ang simpleng white dress na may bukas ang likuran at may tali sa dulo. Sobrang init ng panahon at komportable na din akong magsuot ng ganitong mga damit kaya ayos lang.

Na-release na din sa akin ang company car. Dati ko na 'tong ni-request bago nila ako nilipat sa sister company. Marunong na din naman akong mag-drive at inasikaso na ni Mama ang lisensiya ko dito sa Pilipinas para magamit ko ito pagkarating ko.

I turned on the GPS and started driving to La Union. Mabagal ang pagpapatakbo ko, halatang ayaw makarating sa pupuntahan. I stopped twice to eat and drink coffee, to ponder and think for myself. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita ang sariling bumabalik sa lugar na iyon. Umaatras ang sarili kong paa sa tuwing iniisip ko kung saan ako papunta.

Napabuntong-hininga ako. It's okay, Raya. Hindi ka naman babalik dun para tumira ulit. Babalik ka dun para putulin ang huling bagay na kumukonekta sa iyo sa lugar na iyon.

Once the house is sold, there will be no reason for me to go back to La Union.

Ang dapat na dalawang oras kong biyahe ay naging lima sa dami kong detour. Nang makarating ako sa San Juan, inignora ko ang ganda ng bayan at tuloy-tuloy na nag-drive patungo sa address namin. Nagulat pa ako nang makitang pinalakihan pala ang kalsada sa amin kaya nakakapasok na ang mga sasakyan kaso lumiit ang bakuran namin at nagbago ang gate.

Impossibleng mapasok ko ang sasakyan sa loob ng gate at ayaw ko namang iwan nalang ito sa labas kaya naghanap ako ng tumatanggap ng overnight parking at iniwan dun ang sasakyan. Hindi ko yun pwedeng masira kasi hindi naman akin yun. Nilakad ko nalang pabalik sa bahay namin dahil malapit lang naman.

Elyu Series #1: Drifting with the WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon