Chapter 7

1.9K 100 2
                                    

Rebecca's POV.

Naglilinis ako ngayon ng bathroom rito sa taas, sa kwarto ni Sir Zyair.

Wala siya ngayon, umalis yata kaninang madaling araw. Kaya habang wala pa siya, inuna ko munang linisan rito sa itaas.

Ilang araw na ako rito, at talagang pinakiramdaman ko ang pagod gabi-gabi. Hindi ko inaakalang mas malawak itong bahay kung napasok mo na ang bawat sulok.

Pero okay lang, para kay Nanay...

Huminto ako at nagpunas ng pawis.

Pinapanatili ko talagang walang bakas ng dumi ang kwarto niya dahil kabilin-bilinan ni Aling Sali na kung maaari ay puliduhin ang paglilinis.

Napaiktad ako ng bumukas ang pintuan ng bathroom kaya napalungon ako ng wala sa oras.

Nahugot ko ang hininga at bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makita ang bulto ni sir na papasok na sana...

Wala itong suot na pang-itaas, tanging itim lang na twalya ang nakatakip sa pang-ibaba nito.

Napahinto ang mata ko sa...

Gitna niyang namumukol.

Namumukol?

Hala Beca!

Mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong pag-iwas ng tingin.

"Pa-pasensiya na po." Paghingi ko ng paumanhin.

Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagkibot ng ngisi sa labi niya.

"It's okay, hindi ko alam na nandito ka..." Baritong boses nito.

Lumunok ako at muling tumingin sakanya.

"Ahmn, Si-ge po. Itutuloy ko nalang mamaya ang paglilinis rito." Utal kong sabi sabay yuko at humakbang papunta sa direksiyon niya.

Huminto ako sa gilid niya at hinintay itong umabante para makalabas ako.

Umangat ang mukha ko sa kanya ng hindi gumalaw ito.

Napakurap-kurap ako ng magtama ang mga mata namin.

Pansin ko pa ang agarang paglunok niya.

"Kailan ka ba magiging komportable sa'kin?" Malamlam niyang tanong.

Lihim akong huminga ng malalim.

"Sir, makikiraan po." Mahina kong saad, sapat na para marinig niya.

Nakahinga ako ng maluwag ng gumalaw siya para bigyan ako ng space.

Ngumiti lang ako ng tipid sakanya at nagmadaling Inihakbang ang mga paa ko palabas ng bathroom.

Didiretso na sana ako palabas ng pintuan ng kwarto niya ng marinig ko itong magsalitang muli.

"Beca, wait a minute. Muntik ko ng makalimutan." Pagtawag niya ng atensiyon ko kaya muli akong lumingon.

Naglakad siya papunta sa walk in closet nito, pinanood ko ang likod niyang malapad.

Babad siguro siya sa gym kaya maganda ang pangangatawan nito.

Napakamot ako ng ulo.

Bakit ba lagi ko siyang pinupuna?   

Maya-maya pa ay lumabas ito at naglakad papunta sa'kin.

Huminto siya sa harap ko.

"Here, nahulog mo sa kotse ko nung hinatid kita." Sabay lahad ng bracelet ko.

Sa dami ng iniisip ko nitong mga nakaraan, Hindi ko na napansin na wala na pala sa'kin ang bracelet ko.

Kinuha ko ito at isinuot muli sa'kin.

Beg for It (Quadro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon