Chapter 29

1.7K 68 3
                                    

Warning!!!
SPG: Istriktong patnubay at gabay ni Author ang kailangan, dahil may ilang maseselang kaganapan sa pahinang ito.

Rebecca's POV.

"Bakit wala pa siya?" Bulong ko sa sarili.

Nakatingin lang ako sa bungad ng pintuan.

Nagpaalam si Nanay kanina, inaya siya ng kumare niyang magbibirthday.

Maya-maya pa ay may naaninag akong tatlong bulto ng tao papalapit dito sa bahay.

Inaaninag ko ang mga ito.

Bahagya silang nagtatawanan, pansin ko rin sa paglalakad nila ay nakainom ang mga ito.

Napatayo ako ng marinig ang boses ni Zyair.

Magkakaakay ang mga ito.

Si Mang Banjo, Zyair at Mang Billy.

Huminga ako ng malalim.

Kaya naman pala, nakipag-inuman pa ito.

"Oh, kanina ka pa yata hinihintay ni Rebecca..." Pabali-baling boses ni Mang Banjo.

Ngumiti ako ng tipid.

Nagtaas ng mukha si Zyair at ngumiti ng matamis ng tumama ang mga mata niya sa'kin.

"Pasensiya ka na Iha, napasarap ang inum namin." Saad ni Mang Billy.

Tumango ako.

"Okay lang po." Sagot ko.

Lumapit ako sa gawi nila at kinuha ang braso ni Zyair paakay sa'kin.

"Hey, magpapainom pa ako-hik, wag muna kayong umalis." Malalim na boses niya.

"Bukas na naman iho, marami pang araw para diyan." Saad ni Mang Banjo saka sila nagpaalam.

"Baby..." Malambing niyang boses saka ako yumakap ng mahigpit.

"Yitro, pumasok na tayo sa loob." Pag-aaya ko sakanya.

Ang bigat ng braso niya...

Kinalas niya ang pagkakayap sa'kin at hinawakan ang magkabilaang pisngi ko.

"I love you..." Papikit-pikit niyang sambit.

"I love you too." Sagot ko saka hinawakan ang palapulsuhan niya. "Halika na..." Pag-aaya kong muli.

Maloko siyang ngumiti saka ako hinila at sinunggaban ng malalim na halik.

Umurong ako dahil sa klase ng paghalik niya.

Grabe ang pagsipsip niya ng labi ko.

Hinawakan ko siya sa balikat.

"Uhh!" Impit kong daing ng mabilis niya akong hinapit pa.

"Z-yair...." Daing ko sa pagitan ng halik.

Bumitaw siya at pinakatitigan ako ng malamlam niyang mga mata.

Napaawang ang labi ko't humugot ng malalim na hininga.

"Pu-masok na tayo..." Pag-aaya kong muli.

Tumango naman siya ng marahan saka kami pumasok at dumiretso sa sopa.

Inalalayan ko siyang maka-upo.

"Teka lang, ipagtitimpla kita ng kape-" nahigit ko ang hininga ng mabilis niya akong hilahin paupo sa kandungan niya.

"Galit ka ba, baby?" Malambing niyang tanong.

Hinaplos niya ang labi ko.

Umiling ako.

Beg for It (Quadro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon