Chapter 44

2.5K 65 0
                                    

Third person POV.

Nakatanaw si Yitro mula sa di kalayuan.

Nakahawak siya sa monobela ng mahigpit habang pinapanood si Rebecca at Cris na magkayakap.

Gusto niyang sumugod at ipamukha sa lalaki na pagmamay-ari niya ang yinayapos nito pero pinigilan niya ang sarili.

"Sa'kin kalang dapat e... But why do I seem to gradually believe that you never loved me?" Pagbugso ng damdamin niya.

Kitang-kita nito ang pag-ngiti ni Rebecca.

"Bakit unti-unti akong pinipiga ng pagngiti mo ngayon? Huh? Baby... Huli na ba ako para ipaglaban pa?" Wala sa sarili nitong bulong.

"Ito ba talaga ang gusto mo? Ang hayaan kana? If that's so. I will totally say goodbye now." Maang niyang sambit.

Binuhay niya ang makina, kasabay ng pagbitaw ni Rebecca at Cris ng yakap.

Rebecca's POV.

Wala ako sa sariling naglalakad ngayon...

Balisa akong tumawid sa kabilang kalsada.

Nag-iinit ang mga mata ko't nanlalabo dahil sa pagbabadya ng luha, hindi ko alintana ang mga busina ng sasakyan, para akong nabibingi sa sariling kamalayan.

Nahimasmasan ako ng maaninag ang sinag ng ilaw mula sa papalapit na sasakyan, napatigil akong hindi maihakbang ang mga paa.

Dire-diretso at mabilis...

Sa gawi ko.

Boogsh!

Nahugot ko ang hiningang napapikit ng mariin, kasabay ng pagtilapon ng katawan ko sa sahig.

Bumibigat ang talukap ng mga mata ko...

Umiikot ang paligid at nanlalabo ang pandinig, hindi ko maigalaw ang katawan.

Paputol-putol na rin ang hindi ko mahabol na hininga.

Ramdam ko pa ang paglapit ng ilang mga tao papunta sa gawi ko.

"Yit-ro..." Hirap kong bigkas sa pangalan niya, kasabay ng panlalabo at pagdidilim ng paningin...

Mahal na mahal kita...

@dikaPinili_



Beg for It (Quadro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon