Chapter 55

3K 65 0
                                    

Rebecca's POV

"Anong paboritong snacks ni Yuna?" Tanong ni Zyair, nasa
store kami ngayon, katatapos lang ng trabaho dumiretso kami rito.

"Kahit ano, hindi naman siya mapili." Sagot ko, hindi na siya umimik. Kumuha siya ng iba't ibang klase ng pagkain.

Luminga-linga ako, saka ako tumingin sakanya.

"May titingnan lang ako saglit." Paalam ko, mahilig kasi si Yuna sa prutas. Ngayon ko lang naisip, nadaanan na namin kanina yung mga pwesto.

Sumulyap lang siya sa'kin, hindi siya nagsalita kaya naman naglakad nalang ako.

Pagkarating ko ay agad kong tinungo ang nakahilerang lagayan ng apple.

Matamis naman kaya ang mga ito? Minsan kasi kapag bumibili ako hindi matamis, tinatanong ko naman kung matamis sa nagtitinda pero syempre sasabihing matamis kahit hindi.

"Rebecca?" Boses ng lalaki sa gilid ko, kaya naman tumingin ako rito.

Sino na nga ba ito? Namumukhaan ko siya pero nakalimutan ko ang pangalan niya.

"Geo, hindi mo na naalala? Magkaklase tayo nung high school." Nakangiting aniya, ngumiti ako ng maalala siya.

Nagulat ako ng yumakap ito, pagkatapos ay bumitaw rin at ngumiti ng matamis.

Napagtanto ko sa pananalita at kilos niya ay...

Gay ito, yung tigasing si Geo noon... Malambot na ngayon.

"Ah... Ah, alam ko yang iniisip mo." Maarteng sabi niya.

"Kumusta ka na?" Pagtatanong ko, inayos niya ang buhok saka sumagot.

"Naku, okay naman sis. Eto nagbabalak magpakabit ng kepyas." Pabirong sagot niya, napatawa kami ng mahina.

"E ikaw? Kumusta ka na? Ang ganda ng katawan mo ha, bet ko." Pagpapatuloy niya.

"Ikaw talaga, okay naman ako. Eto may anak na..." Ngiting sagot ko, bahagya pang nagulat ang pustura niya.

"Totoo? Edi may asawa ka na rin ngayon?" Pagtatanong niyang muli, sasagot na sana ako ng may pwersang humapit sa tiyan ko, bumangga ang likod ko sa matigas na dibdib, bumaling ako rito, napalunok akong seryoso siyang nakatingin kay Geo.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa tiyan ko dahil pahigpit ito nang pahigpit.

"Ah-m si Geo, Zyair... Kaklase ko nung high school." Kabado kong sabi.

"Hindi ako nagtatanong." Malamig niyang sambit, kaya naman bumaling ako kay Geo na nakangiti parin.

"Ito ba ang asawa mo Beca? Hmn, halatang yummy..." Mapaglarong tono nito at kinagat pa ang hintuturo habang pinapasasandahanan ng tingin si Zyair.

"Sa susunod, wag mo siyang hahawakan... Kung ayaw mong baliin ko ang mga buto mo sa katawan." Madilim niyang saad, mabilis kong binalingan si Geo, tiningnan ko siya ng humihingi ng pasensiya, imbis na maoffend ay mas lumawak pa ang pag-ngiti niya, bumaling siya sa'kin.

"Mauuna na ako Rebecca, accept mo nalang ako sa Facebook." Malambing niyang sabi, tumango naman ako saka siya ulit tumingin kay Zyair.

"Aalis na ako, pogi." Matamis na boses niyang usal saka naglakad papalayo.

"Z-yair, bitiwan mo na ako..." Mahinang sabi ko saka tinapik ng mahina ang kamay niya, binitawan naman niya ako kaya humarap ako sakanya.

Nakakunot ang kilay niyang nakatingin sa'kin.

"Hindi mo naman sinabing makikipaglandian ka pa, di' sana nauna nalang ako diba?" Seryosong boses nito, bumaling ako sa mga tao sa paligid.

Hindi ako sumagot, ayokong makipagtalo rito nakakahiya. Binalingan ko ang mga apple na tinitingnan ko kanina saka bumili.

Nasa biyahe na kami ngayon pauwi...

"Ilugar mo ang kalandian mo sa susunod, hindi yung pati sa loob ng store makikipagyakapan ka." Malalim at mahabang boses niyang sambit.

Bumaling ako sakanya, mahigpit ang pagkakakapit nito sa monobela, nag-iigting na rin ang bagang niya dahil sa inis o galit o ano man.

"Hindi naman ako nakikipaglandian." Mahinang usal ko, bumaling siya sa'kin, mas lalong nalukot ang pustura niya sa galit.

"Sasagot ka pa?" Hindi makapaniwala niyang tanong, huminga ako ng malalim.

"Gay yun Zyair, siguro pansin mo naman kanina?" Pagod kong sagot, hindi muna niya alamin bago siya magsabi na naglalandi ako.

"Kahit na! Ang gusto ko akin lang, ako lang dapat ang humawak sayo... Ako lang dapat lahat. Naiintindihan mo? Pagmamay-ari kita, ayokong ni dulo ng daliri mo mahawakan ng iba, dahil akin ka lang!" Hasik niyang hiyaw, kulang nalang pumutok na ang ugat sa kamay at sintido niya.

"Oo na, pero ilugar mo naman ng pagsasabi sa'kin na naglalandi ako kahit hindi naman." Mahina kong sabi saka ibinaling sa labas ng bintana ang tingin.

Napaka babaw niya, hindi ko siya maintindihan ang hirap ng basahin...

Pagkasundo at pagkarating namin ng bahay iniakyat ko muna si Yuna sa kwarto niya saka ako bumaba para ilagay sa lagayan ang mga pinamili namin.

Nang gumabi na ay nagluto na ako para mamaya, nasa sopa si Yuna kasama ni Yitro. Naiilang pa ang bata sakanya, hindi ito umiimik kung hindi magtatanong si Yitro, pero pansin ko namang ginagawa niya lahat para makuha ng lubos ang loob ng anak namin.

Nang nakaluto ako ay ipinepare ko na sa hapag ang mga pagkain saka ako naglakad papunta sa sopa para tawagin sila.

Napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Yitro.

"Did your mama and Cris have a relationship? Baby?" Rinig kong tanong nito sa anak.

Pinakinggan kong mabuti kung anong isasagot ni Yuna.

"Espesyal po sa'min si Tito Papa." Mahinang sagot niya, hindi umimik si Yitro ng ilang segundo.

"Ako anak? How special am I to you?" May pagbabakasakali sa tono niyang tanong.

Hindi sumagot si Yuna, huminga ako ng malalim.

"It's okay anak, hindi mo naman kailangang sagutin agad. Basta ako, napaka importante ka sa'kin." Masiglang boses ni Yitro.

"Kayo ng Mama mo." Dagdag niyang nagpalunok sa'kin.

Mahalaga parin ako sakanya? Ibig bang sabihin... Mahal pa niya ako?

Pero napawi rin ang saglit na saya sa puso ko, natural lang pala na isasali niya ako sa importante sa buhay niya, dahil kaharap niya pala si Yuna, kailangan lang niya iyong sabihin para hindi magtaka ang anak namin.

Bumuntong hininga ako at humakbang para makalapit sa kinaroroonan nila.

Magkatabi silang mag-ama, nakangiti si Yitro habang pinagmamasdan ang anak. Si Yuna naman, nakatingin lang ng diretso habang hinahaplos ang pusa, ilang taon na ring nanatili ang pusa sa buhay ni Yitro. Nung iniwan ko siya, mukhang si Zimba lang ang nakasama niya ng five years.

Bumaling siya sa'kin, napawi na naman ang pag-ngiti niya ng makita ako.

"Kakain na..." Tipid na ngiti kong sabi, lumapit ako sa pwesto ni Yuna. Bubuhatin ko na sana siya ng pigilan ako ni Yitro.

"Ako na." Aniya saka dahan-dahang binuhat si Yuna.

Habang nasa hapag kami, maging ang pagpapakain kay Yuna ay siya na rin ang nagprisinta.

Lihim ko silang pinagmasdan, napangiti ako... Kahit si Yuna lang ang mahalin at pahalagahan niya, okay na okay na sakin yun.

@dikaPinili_

Beg for It (Quadro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon