Chapter 63

2.7K 73 1
                                    

Rebecca's POV

Positive!

Buntis ako!

Nakangiti akong lumabas ng Cr diretso sa pintuan ng kwarto, naglakad ako papaunta sa kwarto ni Yuna.

Nakabuo na rin kami... Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko, lagi ring sumasakit ang ulo ko at laging naduduwal kapag naaamoy ko ang amoy ng kanin, gaya noong ipinagbubuntis ko si Yuna. Saka delayed ang dalaw ko ngayong buwan kaya naisip kong buntis na ako, at napatunayan ko ngang may laman na ang tiyan ko sa pangalawang magiging baby namin ni Yitro.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Yuna, abot hanggang langit ang saya ko...

"Mama?" Patanong niyang pagtawag sa'kin, lumapit ako sakanya at sumampa ng kama.

"Baby, magiging ate ka na..." Masaya kong pagbabalita sakanya, kumurba ang ngiti sa labi niya saka inihawak ang kamay sa braso ko at unti-unting umangat pagkatapos ay yumakap siya sa'kin, sinapo ko rin ang likod niya nang mahigpit.

"Masaya po ako, may makakasama na ako rito sa kwarto mama. Yehey!"  Masayang boses niya.

Kumalas kami saka ko hinaplos ang pisngi niya.

"Alam na po ba ni Papa na may baby na sa tiyan mo Mama?" Ngiting tanong niya sa'kin saka kinapa ang sa may bandang tiyan ko.

Nasa office siya ngayon, nagpaiwan muna ako rito sa bahay dahil walang makakasama si Yuna, holiday kasi nila ngayon.

Balak kong wag munang sabihin, surprise nalang. Sasabihin ko nalang sa nalalapit naming kasal, siguradong matutuwa siya...

"Wag muna nating sabihin baby, para masurprise ang Papa mo." Masigla kong boses.

Tumango naman siya saka ngumiti ulit at yumakap sa braso ko.

Matapos iyong birthday ni Yitro nung nakaraan, naging mas close silang mag-ama, na sobrang ikinatuwa ko dahil sa wakas din ay nakuha na ng buo ni Yitro ang loob ng anak namin.

Third person POV

"Yaser, I've been loyal to you for almost six years, and now the two of you have slandered me? I can't believe you. " an incredulous voice of Mr. Mauri, Venice's father and a business partner of Yaser and Yitro.

"How selfless of you." Yitro said sarcastically, habang prisenteng naka-upo while Yaser looked at Mauri emotionlessly.

"I will prove that the allegations against my company are not true, but you can't just terminate our partnership like that." Mauri's voice was loud; his annoyance and anger could no longer be contained because of Yaser's sudden departure from him as vice president of the Cavends organization.

"I have the right to do that and there's nothing you can do. Ayoko namang bumagsak ang kumpanya ng dahil lang sayo. It's not worth it." Yitro simply says as a teasing grin played on his lips.

He knew that Mauri had always been planning something to subvert the Cavends group and gradually bring it down so that his own company could rise in the field of business.

"Wala akong ginawang pangsasabutahe, you don't have
a shred of evidence. Because the evidence doesn't exist!" Namumulang mukha ni Mauri, ginagawa nito ang lahat para hindi matuklasan ang matagal ng maitim niyang balak.

"Actually, it does, to cover up the fact that you were behind this entire company in the first place. And not only that, you stole a large amount of money.  Alam mo bang kayang-kaya kitang pataubin ngayon. Kung hindi kita matantiya, manghihiram ka ng mukha sa aso." Yaser said tiredly, then placed both feet on top of his table.

Agarang umiling si Mauri saka pinagpalit-palit ang paningin sa mag-ama.

"That was not true! You have no proof of that. " His eyes widened as he defended himself against those thrown at him.

Prisenteng tumayo si Yitro, bagot niyang pinasandahanan ng tingin si Mauri.

"It appears that you have been defeated, Mr. Mauri. That 950 billion pesos of our money you spent on yourself to gain control of my company? Consider your partnership brought out. " Yitro said with a smile, then put both hands in his pocket and came closer to Mauri, whose face could no longer be painted.

"This. Is. Bullshit." Mariing tono ni Mauri habang nakikipagtagisan ng tingin kay Yitro.

Cynical laughter came out of Yitro's mouth.

"Kiss my ass?" Yitro giggled, then stood up straight.

As the office door opened, the security guards appeared. Mauri stopped and looked at them, at muling bumaling sa mag-ama.

"Do you want the guards to escort you? Or go out of this building on your own? Choose..."  Ngiting boses ni Yitro.

"You will regret this day." Mauri said loudly and angrily to Yitro. Yitro slowly closed his eyes and smiled sweetly, then nodded.

"Talk to my ass." Mapang-inis na sabi ni Yitro.

Napakuyom ng kamao si Mauri, bakas ang pagkakapahiya sakanya.

Tumalikod siya at naglakad papalabas, narinig pa nito ang pagtawa ng mag-ama na lalong dumagdag sa galit na nararamdaman nito.

"Don't fucking touch me! Kaya kong lumabas mag-isa!" Hasik nito sa mga guard na tatangkain siyang hawakan.

Rebecca's POV

"Ginabi ka yata Zyair?" May tampo sa boses kong tanong, humakbang siya papasok ng kwarto, kanina ko pa siya hinihintay...

Hinubad niya ang blazer na suot saka kinalas ang neck tie at umupo sa gilid ko.

Ngumiti siya sa'kin saka inilapit ang mukha, naamoy ko sakanya ang alak na ininom niya kaya tumabingi ako.

Ilang beses akong lumunok, pinigilan kong wag maduwal para kasing hinahalukay ang tiyan ko sa amoy ng alak, hindi naman mabaho pero hindi ko gusto ang amoy masyadong matapang.

"Baby, mabaho ba?" Paos niyang tanong, bumaling ulit ako sakanya, kumikislap ang mga mata niyang nakatitig sa'kin pababa sa labi ko.

Umiling ako agad.

"Hin-di..." Mahina kong pagsagot kaya muli siyang lumapit, napapikita ko nang sakupin niya ang labi ko. Pagkatapos ay bumitaw siya at binigyan ng halik ang noo ko.

"Malapit na ang kasal natin, hindi na ako makapaghintay Rebecca... Sa wakas, matatawag na tayong pamilya ng anak natin at mga magiging anak pa natin baby. Masaya ka ba? Na ako ang ipinagkatiwala mo sa lahat? Kahit nasaktan kita sa mga nagawa at nasabi ko?" Malamyos niyang tanong habang hinahaplos ng kaliwang palad niya ang pisngi pababa sa labi ko.

Wala akong pinagsisisihan, kung nasaktan man namin ang isa't isa sa mga nagdaang araw at taon... Hindi parin ako magdadalawang isip na siya ang papakasalan ko at wala ng iba. Siya at si Yuna ang pumuno ng pagkatao ko, sila at ng magiging anak pa namin.

"Mahal na mahal kita Yitro, ako ang pinakamasayang babae ngayon dahil ako ang napili mong minahal at pinaglaanan ng singsing na suot ko ngayon." Malambing kong pagsagot saka hinaplos ang pisngi niya, pinakatitigan ko ang buong mukha niya. " Alam kong magiging masaya pa ang pagsasama natin pagkatapos ng kasal, pinapangako kong magiging mabuting may bahay at Ina ng mga anak mo, baby." Dagdag kong sambit, ngumiti ako sakanya, namumula ang mukha niyang tumango saka ako yinapos ng mahigpit na yakap.

"Sisikapin kong magiging mabuting asawa at ama ng mga anak natin baby, I will make sure I will never hurt you again. I will love you until my last breath, Rebecca." Buong boses niyang usal, ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa boses niya habang sinasambit ang mga katagang binitawan niya.

@dikaPnili_

Beg for It (Quadro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon