Chapter 46

2.6K 70 3
                                    

Rebecca's POV

"Maliwanag naman yung sinabi ko diba?" Mariing saad niya.

Napahinga ako ng malalim.

"Sir, sinabi niyo po kanina black coffee-" mahina kong sagot.

Lumapit siya kaya napaatras ako.

"Ginagamit mo ba yang utak mo? Ang sabi ko hindi matamis! Ilang palit mo na ba yan? Huh? And you really haven't got what I want." Galit niyang hasik.

"Tatanga-tanga ka! Kahit simpleng instructions lang hindi mo pa magawa ng maayos, oh baka naman kasi lumilupad yang kokote mo kung saan-saan at dinala mo pa rito sa opisina ko." Mariin niyang usal.

Nakayuko lang ako habang hawak ang tasa ng kapeng ilang beses ko nang pinalitan dahil hindi ko makuha kung anong timpla ang gusto niya.

Nagpabalik-balik ako sa ibaba, ang sakit na ng paa ko. Wala na akong ibang ginawa kundi ang gawin ang mga inuutos niya, hindi ko pa nasimulan ang mga paper works na nakatambak sa mesa ko.

Kailangan ko pa ng mahabang pasensiya, nilunok at ipinagsasawalang bahala ko ang mga pagsisigaw niya at mga pananalita niyang masasakit.

Dalawang araw na, na siya ang boss namin pero grabeng hirap na.

"Pa-palitan ko nalang po-ahh!" Napapikit ako ng mariin nang  agawin niya ang kape sa kamay ko at inihagis sa pader.

"Hindi na. Tutal wala ka namang kwentang mautusan." Hasik niya.

Nanatili akong nakayuko.

Nanginginig ang kamay ko...

"Tumingin ka sakin." Mapagmando niyang utos.

Hindi ko maigalaw ang ulo ko paangat.

Nahugot ang hininga ko ng hawakan niya ng marahas ang panga ko paangat.

Nanlalamig ang kamay kong humawak sa palapulsuhan niya.

Galit na galit ito na hindi ko naman alam kung saan nangagaling ang init ng ulo niya.

"Kapag sinabi kong tumingin ka sakin, tumingin ka." Gigil niyang sambit saka hinigpitan ang pagkakahawak ng panga ko.

Nanginginig ang labi kong naiiyak.

"So-orry... Po-hmnn." Daing ko ng ihawak niya ang libreng kamay sa braso ko ng mahigpit.

Lukot na lukot ang pustura niyang nakatitig sa'kin.

"I don't need your fucking sorry. I need you to follow everything I want, and you have no right to complain. I will do everything I want to do, I will order everything I want to order because you're my employee, I fucking own you! Do you understand me?" Mariing naglapat ang mga ngipin niyang nanggagalaiti.

Nag-iinit ang mga mata kong pinipigilan ang sariling maglabas ng emosyon.

Nahihirapan akong lumunok at tumango.

Nagbago ang aura niya, unti-unti itong ngumisi saka niya ako pabalang na binitawan.

"Good girl. So now, linisin mo iyang katangahan mo." Utos niya saka siya bumaling sa kinauupuan nito kanina na para bang walang nanyari at nagsabing hindi maganda.

Napakurap-kurap akong nagpipigil ng luha, wala akong imik na dinampot ang mga piraso ng tasang nabasag, nilinisan ko ang sahig pagkatapos ay lumabas ako ng opisina.

Bumungad sa'kin si Lance, bumaba ang tingin niya sa mga hawak ko.

"Anong nangyari? Okay ka lang?" Pagtatanong niya.

Ngumiti ako at tumango nalang.

Nagpaalam ako rito para itapon ang mga hawak ko.

Ang laki ng pinagbago ng ugali niya, hindi na siya yung dating Yitro na nakilala at...

Beg for It (Quadro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon