Chapter 43

2.7K 67 0
                                    

Rebecca's POV.

"Rebecca... Please, don't leave me. Baby." Paghikbi niyang sambit sa pangalan ko.

Mahigpit akong humawak sa bag at tumalikod kasabay ng sunod-sunod na luhang nagsipaglandasan pababa sa pisngi ko.

Hindi pa man ako nakakarating ng pintuan nang maramdaman ko ang pagyapos niya galing sa likod.

"Don't do this to me..." Bulong niya sa tainga ko.

Napapikit ako ng mariin.

"I'll fix everything, basta dito ka lang..." Hirap niyang usal.

"Wala ng dapat ayusin dahil tapos na Yitro, ta-pos na... kahit kailan, hindi talaga ako magiging masaya sa piling mo-" pigil ang paghagulgol kong saad.

Pinilit niya akong iniharap sa kanya.

"Hindi ka aalis." Pagtigas ng bagang niya kasabay ng paggalaw nito at sinakop ang labi ko.

Mabibigat at mabilis ang bawat paggalaw ng labi niya.

Hinapit niya ako ng mahigpit kaya napabitaw ako sa bag na hawak ko.

Hindi ako makahinga...

"Hmmnp!" Pagpipiglas ko ng malasahan ko ang metal sa labi ko dahil sa pagkakakagat nito.

Napunta ang labi niya sa panga ko.

"Yitro!" Paghiyaw ko ng pwersahan niyang pinunit ang telang nakatapat sa dibdib ko. 

"You still love me, right?" Mabilis niyang tanong habang naglalakabay ang labi niya sa leeg ko.

Sobra ang pagdagundong ng puso ko.

Kailangan ko siyang saktan pa...

"Hi-ndi. Hindi kita ma-hal." Pikit mata kong usal na siyang nagpatigil sa paghalik niya.

Tumapat ang mukha nitong hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin.

Binitawan niya ako at umiling-iling, inihilamos nito ang dalawang kamay sa buhok.

Mapakla itong napatawa.

"You're lying-" pilit ang pagtawa niya.

Umiling ako at pinunasan ang luha sa'kin.

"Hindi kita minahal, ang totoo niyan..." Pagtigil ko at lumunok. "Pinerahan lang kita." Pagdagdag ko.

Lumabas sa bibig ko ang malaking kasinungalingan...

Kasinungalingang panghabang buhay kong dadalhin.

Napaawang ang bibig niya at tumango-tango.

Kitang-kita ko kung paano kumislap ang mga mata niyang nakatingin sa'kin.

I'm sorry...

Ngumiti siya.

"Okay lang, ang importante naman... Mahal kita, ayos lang na ako lang ang nagmamahal sa'ting dalawa. I can carry our relationship for us. All I want now is for you to believe me and let's wait for the result. You don't have to leave me or hurt me with your words. Dito ka lang sa'kin. Please? I'm begging you..." Pagmamakaawa niyang sambit, saka hinuli ang kamay ko at binalikan iyon ng mariin.

Kailangan kong ubusin ang lalaking mahal na mahal ko...

Pwersahan kong binawi ang kamay ko at matapang na tumitig sa kanya.

"Quits na tayo, totoo ang nakita mo nung nakaraan. Nagpanggap akong mahal na mahal ka kahit hindi naman, iyong lalaking nakita mong kasama ko? Lalaki ko talaga yun, matagal na kami." Napakuyom ang palad ko.

Beg for It (Quadro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon