Chapter 41

1.7K 55 4
                                    

Rebecca's POV.

Tanghali niya ako inihatid.

Tinanggal ko ang seatbelt ko saka bumaling sakanya.

"Hindi ka na ba sasaglit sa bahay?" Tanong ko pero hindi siya umimik.

Nasa cellphone lang nito ang paningin.

Pinasigla ko ang mukha at boses.

"Hmn, Zyair... Batiin mo naman ako..." Pigil piyok kong pakiusap.

Wala parin.

Napalunok ako.

"Kahit pagbati lang..." Pagsusumamo ko.

Ini-off niya ang phone saka ibinulsa.

"Ipapasundo nalang kita bukas." Bagot niyang saad.

Napakagat labi ako.

Umangat ako para maabot ang pisngi niya, hinalikan ko ito ng marahan bago bumaling sa pagkakaupo.

"Sige, mag-iingat ka pauwi. I love you..." Malamyos kong usal.

Nanatiling matigas ang aura niya.

"Zyair kahit, I love you lang... Please?" Pigil na pigil emosyon kong pakiusap.

Pero wala parin...

Tumango-tango ako ng marahan.

"Sige na. Baba na ako." Paalam ko, saka binuksan ang pintuan ng sasakyan.

Pagkababa ay siya namang pagharurot ng pagpapatakbo niya.

Kasabay ng paghaplos ng hangin sa pisngi ko ay ang paglaglag ng luha ko sa mga mata.

Ang hirap...

Sumapit ang gabi, naghanda si Nanay nang konting handa para sa'min.

"Hindi ba pupunta rito ang nobyo mo?" Tanong niya.

Ngumiti ako at umiling.

"Marami siyang inaasikaso, Nay." Sagot ko nalang.

"Hindi ba niya pwedeng ipagsantabi muna? Alam naman niyang birthday mo." Ani ni Nanay habang naglalatag ng kubyertos.

"Okay lang po, naiintindihan ko naman siya saka binati naman niya ako nay kaya okay na sakin yun." Pagsisinungaling ko.

Tumango naman si Nanay.

Maya-maya pa ay may boses sa labas.

Nagtinginan kami ni Nanay.

Napatayo ako, baka si Zyair...

May galak sa loob kong naglakad papunta sa pintuan.

"Akala ko-" Hindi ko naituloy.

Si Cris.

Ngumiti siya, bumaba ang paningin ko sa hawak niya.

"Sino iyan?" Tanong ni Nanay sa likod ko saka sumilip.

"Oh iho, naku e pumasok ka." Pag-aaya ni Nanay kay Cris.

"Sige po, salamat Tita." Aniya saka pumasok.

Bagsak ang balikat kong isinara ulit ang pintuan.

Nagtungo kami sa hapag.

"Buti nalang dumating ka, sakto at may naihanda na ako." Sabi ni Nanay.

Naupo kami.

Inilapag niya ang dala sa ibabaw ng lamesa.

"Sakto rin po itong dala ko Tita, alam niyo naman po ako e hindi ko nakalimutan ang birthday nitong si Rebecca." Masaya niya saad.

Beg for It (Quadro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon