Chapter 31

1.9K 67 9
                                    

Warning!!!
SPG: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng karahasang kaganapan.

Third person POV.

The large door of the abandoned warehouse opened.
 
Yitro's fist was clenched as he entered.

Nagsihiyawan ang mga kalalakihan ng makita siya.

He gulped when he saw Rebecca in the middle, sitting on a chair, nakatali ang mga kamay at may busal sa bibig. She also has a bruise on her cheek.
 
Yitro's posture darkened, nang makita ang kabuuan ng dalaga.

Rebecca looked up and cried again, seeing Yitro's deep concern for her.
 
Yitro was about to quickly approach Rebecca when a man he knew came out from the side.

"Surprised." Maangas nitong pagbungad.

"Anong nararamdaman mo ngayon Yitro na ang matagal mo ng nakakasalamuha sa loob ng kumpanya ay isa sa gustong tumiris sayo?" Dagdag niyang pag-ngisi.

Lumapit ito kay Yitro.

"Akalain mo nga naman, nababahag ang buntot mong harapin ako ng masinsinan kaya dinamay mo ang girlfriend ko." Walang kaemo-emosyong boses ni Yitro.

Dumaan sa inis ang mukha ni...

Fores.

Tama, si Fores na P.A ni Yitro ang kaharap niya ngayon.

"Hindi ka ba nagulat? Huh? Na napaikot kita sa simpleng galaw ko lang. Wala kang kaalam-alam na ako ang isa sa kanila." Bahagyang nanlalaki ang mga mata ni Fores.

"Wala akong pakealam sayo, dahil isa ka lang namang langaw na pwede kong wakasan sa kahit na anong oras na gustuhin ko." Pabalang na sagot ni Yitro.

Tumango-tango si Fores.

Tumawa ito ng malakas.

Without a word, Fores hit Yitro in the face with the gun he was holding.

Napahiyaw si Rebecca habang may busal parin ang bibig nitong nagpupumilit makawala sa upuan kung nasan siya.

Aambahan na sana pabalik ni Yitro si Fores ng mabilis siyang hinawakan sa braso ng dalawang tao.

Fores came even closer.

"Gaganti ka? Huh? Sige subukan mo at didiretso ang bala ko sa pinakamamahal." Babalang tono ni Fores.

Lumangit-ngit ang mga ngipin ni Yitro at napakuyom ang dalawang kamao.

Mabilis ang paghinga nitong gustong-gustong balian ng buto si Fores nguniti kailangan niyang magpigil dahil baka saktan nito si Rebecca.

Matinding pagpipigil ang ginawa niya.

Tumindi ang paghagalpak ng tawa ni Fores na iniisip niyang nasa kanya ang alas ngayong gabi.

"Hawakan niyo ng mabuti." Natatawang utos niya sa mga tauhan.

Malakas niyang sinuntok sa mukha si Yitro.

Hindi na magkamayaw ang pag-iyak ni Rebecca dahil sa nasasaksihan.

He punched him in the stomach repeatedly.
 
Instead of moaning in pain, Yitro smiled and laughed softly.

"Lakasan mo naman..." Mapang-uyam niyang panunudya kay Fores.

Nagtiim bagang si Fores sa narinig na para bang minamaliit siya ni Yitro, kaya naman sinenyasan niya ang isang tauhan na kumuha ng tubo.

"Hmmn!!!" Hiyaw ni Rebecca.

"Paluhirin niyo." Utos ni Fores.

Pwersahan nilang pinaluhod si Yitro at pasadyang iniharap sa gawi ni Rebecca.

Beg for It (Quadro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon