Chapter 25

1.9K 65 1
                                    

Rebecca's POV.

"Just wait for me, so we can go there together, baby. "
 Malambing niyang sabi saka ako yinapos sa baywang paupo sa kandungan niya.

Tinapik ko ang braso nitong nasa tiyan ko.

"Hindi na, maabala pa kita e. Bukas uuwi din naman ako rito." Pagpapaintindi ko.

Hinigpitan niya ang pagkakayap sa tiyan ko saka magaang humalik-halik sa balikat ko papunta sa leeg.

Tumagilid ako konti at napatawa.

"Ano ba... Nakakakiliti Zyair." Ngiti kong pagpapahinto rito.

Sumunod lang ang mukha niya at hinalikan ako sa pisngi.

Bahagya pa niyang kinagat ang pisngi ko ng marahan.

"Yitro... Sige na, baka malate ka pa sa opisina niyo." Malambing kong sabi.

Nandito kami sa ibabaw ng kama niya, naliligo siya kaninang pumasok ako rito at pinaghanda siya ng maisusuot.

Iniangat niya ako konti saka ipinahiga sa kama.

Humawak ako sa magkabilaang braso niya ng dumagan ito.

Hindi pa naiayos ang nectie niya kaya inayos ko na.

Titig na titig siya sa mukha ko na para bang may malalim na iniisip.

Tumitig rin ako pabalik.

"Zyair... Pwede ka bang magpromise sa'kin?" Mahinang sambit ko.

Kumurap-kurap siya ng dahan-dahan saka tumango.

"What is it baby?" Paos niyang tanong.

Lumunok muna ako saka ibinuka ulit ang labi.

"Pwede bang... Kapag unti-unti nang nawawala ang feelings mo, pwede bang sabihin mo kaagad sa'kin? Para-" Hindi niya ako pinatapos dahil sa agarang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

"Hindi mangyayari yan." Sigurado niyang sambit.

Lumamlam ang mga mata niya...

Naikukwento ko kasi sakanya iyong nangyari sa pamilya ko, sinabi kong niloko ni Tatay si Nanay at kung maaari ay ayokong maranasan iyon sa piling niya.

Humaplos ang kaliwang palad niya sa pisngi ko.

"Hindi ko gagawin ang ginawa ng Tatay mo sa Nanay mo, Hindi kita lolokohin. I promise. I know mahirap paniwalaan ang mga lumalabas lang sa bibig pero papatunayan kong pati sa gawa ay tutuparin ko ang sinabi ko." Malambing at malalim niyang boses.

Lumunok ako't mabilis na tumango.

Panghahawakan ko ang ipinangako niya...

Humalik siya sa noo ko kasabay ng paggalaw ng adams apple nito.

Napapikit ako't umangat, yumakap ako sa balikat niya.

Nang makaalis siya papunta sa trabaho ay ibinilin niya ako kay Mang Jigs,

Nagbihis na rin ako para makarating ng maaga sa bahay.

Bago din siya umalis ay binigyan niya ako ng lilibuhin, umayaw ako kanina pero mapilit siya at hindi papaawat.

Pagkatapos kong makapag ayos ay lumabas na ako ng bahay,

"Anong oras ka uuwi bukas iha? Para masundo kita sa tamang oras." Tanong niya.

"Kahit mga 8 a.m po ng umaga." Sagot ko.

Tumango naman siya saka kami pumanhik.

Pagkatapos ng ilang minuto ay narating na namin ang tarangkahan ng bahay kaya bumaba na ako.

Beg for It (Quadro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon