Chapter 64

2.7K 74 0
                                    

Rebecca's POV.

Inayos ko ang buhok ko, saka ko pinasandahanan ang sarili habang naka-upo rito sa backseat ng kotse papuntang simbahan.

Napangiti ako ng matamis, hinaplos ko ang suot kong wedding gown. Ngayon na ang pinakahihintay namin ni Yitro, ang kasal namin...

Matagal ko nang inaasam-asam ang araw na ito, ang maramdaman kung paano maglakad sa gitna ng altar habang nasa dulo ang lalaking pinakamamahal, ilang minuto nalang at matutupad na ang pangarap kong iyon.

Huminga ako ng malalim saka ibinaling sa labas ng bintana ang paningin saka ako sumulyap sa kalangitan, ngumiti ako... Sana nandito ka Nay, siguro kung nabubuhay ka pa, matindi at marami ka na naman sanang habilin kay Yitro... Naiimagine ko tuloy kung paano mo siya paalalahanan noon na wag akong sasaktan.

Miss na miss na kita Nay... Hayaan mo't tutularan kita, ipagpapatuloy ko ang pagiging isang mabuting Ina ko sa mga anak namin ni Yitro, magiging matatag ako gaya mo Nay, kaya wag mo na akong aalalahanin diyan ha? Mahal na mahal kita.

Nakangiti akong nag-iinit ang mga mata, huminga ako ng malalim, hindi ako pwedeng umiyak ngayon, mapupunas ang make-up na inilapat sa mukha ko...

Tumikhim ako at umayos ng pagkaka-upo.

Ilang sandali pa ay pansin kong umiba ng daan ang kotseng sakay ko, kaya nagtaka akong tinitigan ang kinauupuan ng driver.

Luminga-linga ako sa paligid, hindi... Hindi ito yung daan, kabisado ko dahil dinala ako ni Yitro nung nakaraang araw doon!

Kumibot sa akin ang kaba, dumagundong ang pagbigat ng dibdib ko.

Napalunok akong masama ang kutob.

"Ku-ya, iba po itong dinadaanan natin-" Hindi ko naituloy nang biglang sumakit ang ulo ko, napakapit ako sa gown ko nang maramdaman ang pagkahilo at panlalabo ng mga mata.

Tulong!

Hindi ko na maibuka ang bibig kong gustong humingi ng tulong!

Bumibigat ang talukap ng mata ko't hinihila ng matinding antok.

Hanggang sa tuluyan na nga akong sinakop ng dilim...

Yitro's POV

"You okay, buddy?" Yasir patted my shoulder.

Napakunot ang kilay kong umiling, something strange...

I don't know why I suddenly felt bad. I looked at the watch I was wearing, saka ako bumaling sa highway.

Wala pa siya, 10 minutes late, dapat nandito na ang sakay niya.

I took a deep breath. I can't be restless anymore, kanina pa ako paikot-ikot...

"Hey, para ka namang matatae sa ginagawa mo. Relax... Normal lang kabahan." Yasir said with a smile.

"Kanina pa dapat siya nandito." Mahinang sabi ko, tumingin din siya sa watch niya saka sumeryoso ng tingin.

"Wala pa ba siya? Naghihintay na si Father at mga tao sa loob." Boses ni Dad habang papalapit sa'min.

I fixed my hair. As seconds passed, I felt heavier.

"Wala pa Dad, kanina pa kami rito." Yasir answered

Napahilot ako sa batok ko, when my cell phone in my pocket suddenly rang, I picked it up and answered the call.

"Boss! We found Carlo unconscious. At si Ma'am Rebecca at iyong kotseng sakay sana niya papunta diyan sa simbahan ay hindi na namin naabutan!"

The fuck!

Beg for It (Quadro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon