Chapter 52

3.1K 67 9
                                    

Rebecca's POV.

"Balak mo talagang itago sa'kin ang anak ko? Saan ka kumukuha ng lakas ng loob huh?" Madilim na boses niyang tanong, alam ko nang mangyayari ito ngayon, malalaman niya't kwekwestyunin ako.

"Hindi ko sinabi sayo dahil ayokong makasira." Lakas loob kong sagot.

Lumapit pa siya habang hindi pinuputol ang malamig na pagtitig niya sa'kin.

"Tinanggalan mo ako ng karapatan sa bata. At pinilit mong ipaako sa lalaki mo ang anak ko! Ang galing mo naman Rebecca." Mapait niyang boses, galit niya akong pinasandahanan ng tingin.

Pinagtibay ko ang loob ko.

"Hindi ko pinaako kay Cris ang anak ko-" Hindi ko naituloy nang bumwelta siya agad.

"Anak natin, anak ko din siya. Hindi mo lang anak! Hindi siya nabuo kung walang sperm kong sumabog diyan sa sinapupunan mo." Mariin niyang hasik.

Napalunok akong nagpipigil ng emosyon.

"Ako ang bumuhay sakanya, inaalagaan ko siya ng siyam na buwan sa tiyan ko at limang taon hanggang ngayon, kaya wag mong sabihing ipinaako siya kay Cris responsibilidad. Pero hindi mo masisisi kung napamahal na siya kay Cris at siya ang kinikilala niyang ama dahil siya naman ang nakasama niya ng limang taon." Pagpapatuloy ko.

Tumango-tango siya.

"He was the one you spent five years with because of what you did! You are the one who broke up with me. You are the one who left me. And now, parang kasalanan ko pa ang lahat?" Mapang-uyam niyang tono, namumula na ang buong mukha niya dahil sa galit.

"Dahil kasalanan mo rin naman kung bakit ako nakipaghiwalay! Nang dahil sa maling akala mo at para makaganti sa'kin tumira ka ng iba! Kaya kita iniwan dahil nakabuntis ka, anong gusto mong gawin ko? Manatili parin sayo kahit alam kong may kailangan kang gampang responsibilidad? Gusto mong magpakatanga ako at ipagsawalang bahala ang lahat!? Ganun ba?" Pagbugso ng damdamin kong hindi na mapigilan.

Lalong nalukot ang pustura niya...

"How many times have I told you that the child is not mine? Walang nangyari sa'min nung gabing yun! Dahil hindi naman tatayo ang burat ko dahil lasing nga ako diba? Dahil sayo lang naman ito tumatayo! I begged you not to leave me and wait for the child to come out to know the DNA result, but you still persisted." Hiyaw niya pabalik sa pagmumukha ko, napapikit akong nanginginig ang labi.

Kung ganun, hindi siya ang ama ng anak ni Ma'am Venice? Pero impossible yun dahil kitang-kita at rinig kong tinawag ng bata na Daddy si Zyair...

Napapikit siya at naglapat ng mariin ang labi niya, hindi mapawi ang galit at gigil nito... Tumayo siya ng maayos at tiningnan muli ako.

"But now that I'm here... Tapos na ang sinasabi mong pag-aalala sakanya dahil kukunin ko na siya sayo." Seryoso at pagdidiin niyang saad, napatigil ako sa paghinga...

Kukunin niya si Yuna sa'kin, hindi pwede... Ayoko. Umiling-iling akong nagbabadya ang maiinit na luha sa mga mata ko.

"Kukunin ko siya, at ikaw..." Malim niyang usal at pinantayan ako. "Wala kang magagawa." Pagpapatuloy niya, dahilan ng paglaglag ng mga luha ko pababa sa pisngi.

Kagat labi akong umiling-iling, napalitan ng pagsusumamo ang nararamdaman ko.

"Wa-ag please... Hindi ko kaya, Zyair-" Iyak kong pakiusap, tinangka ko siya hawakan sa kamay pero inilayo niya ito.

Kumurba ang ngisi sa labi niya habang nakatitig sa'kin.

"Ihanda mo ang mga gamit niya bukas, I can provide all her needs better than you. Kaya kung gusto mo ng maayos na usapan, ibigay mo siya sa'kin ng kusang loob." Simpleng sambit niya.

Napahikbi ako, humakbang muli ako papalapit sakanya pinilit kong hinahawakan ang kamay nito.

"Ple-ase... Alam kong wala akong laban sayo, maawa ka naman, Zyair. Siya nalang ang natitira sa'kin ngayon, wag mo nama siyang kunin sa'kin. Parang awa mo na..." hagulgol kong pagsusumamo, hindi ko kakayaning mawalay sa'kin si Yuna, hindi ko kaya, kailangan pa niya ako...

Sobra ang pag-iyak kong dumausdos pababa, lumuhod ako sa harap niya.

"Please... Parang awa mo na..." Hindi magtigil ang iyak kong pakiusap, nagbabakasakaling maawa ito at hindi na kunin sa'kin ang anak ko, nagbabakasakaling may natitira pa siyang awa...

Ibinaba nito ang katawan at bahagyang pumantay sa'kin, nasisiyahan itong nakikita akong nagmamakaawa at nahihirapan.

Alam kong mali ako sa paglilihin na may anak kami, pero hindi naman sapat na dahilan yun para kunin nalang niya sa'kin ng basta-basta si Yuna...

"Please, gagawin ko ang lahat... Pahirapan mo ako, saktan mo ako, okay lang. Pero wag mo naman siyang ilayo sa'kin... Siya nalang ang natitirang lakas ko ngayon Zyair, please naman..." Iyak kong pagmamakaawa...

Lumamlam ang pustura niya't umaliwalas ang mukha.

"Gagawin mo ang lahat? Lahat-lahat ng gusto ko?" Maang at banayad niyang boses, mahihimigan doon ang kakaibang tono ng pananalita niya.

Napalunok ako ng marahas at mabilis na tumango-tango.

"Okay, be my slut then." Walang pakundangan niyang sabi na nagpatigil sa'kin, gusto niyang gawin akong laruan niya...

Ilang beses akong napalunok, kaya kong gawin ang lahat...

Tumango-tango ako ng dahan-dahan, na lalong nagpangisi sakanya.

"Iempake niyo lahat ng gamit niyo, bukas na bukas lilipat kayong dalawa sa bahay ko. At tungkol sa lalaki mo, makipaghiwalay ka sakanya, ayoko namang isipang may kasalo ako sa katawan mo, dahil akin lang dapat lahat simula bukas." Malalim at mahabang boses niyang mapagmando.

"Wala kaming-" Hindi niya ako pinatapos.

"Do what I want you to do." Pagpuputol niya, wala naman kaming relasyon ni Cris at hindi naman ako nagpapagamit sa iba...

"Ah, one more thing. Sabihin mo sa lalaking yun, hindi na niya kayo pwedeng makausap o makita manlang. Sabihin mong tapos na siya sa pamamalit sa'kin, at para naman hindi niya masabing wala akong utang na loob. Sabihin mong nagpapasalamat ako sa pag-eksena niya." Mapaglarong niyang sambit, saka marahang pinunasan ang nanuyong luha sa pisngi ko gamit ang likod ng daliri niya habang nakangising naglilikot ang mga mata.

Gagawin ko ang mga gusto niya, para manatili sa tabi ko ang anak ko.

@dikaPinili_

Beg for It (Quadro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon