Chapter 14

1.8K 75 0
                                    

Rebecca's POV.

"Introduce yourself." Utos ng professor sa'kin.

"Hi, I'm Rebecca Ione Velazque. Seventeen years old, Beca nalang po for short." Mahinang pagpapakilala ko sa sarili.

Normal namang kabahan kapag  unang araw ng klase, syempre... Bagong kakahalubilo ko palang naman ang mga  kaklase ko ngayon, masasanay din ako kapag tumagal na.

"Okay thank you Miss Velazque. You may seat beside Miss Trinidad." Aniya sabay gaya ng kamay niya sa gawi ng magiging seatmate ko.

Ngumiti ako at naglakad papunta doon.

Kinuha naman nito ang bag na nasa bakanteng upuang nasa tabi niya saka inilipat sa upuan nito.

Ngumiti ako.

"Salamat." Sabi ko saka umupo na.

"Lafarah." Lahad niya ng kamay sa ilalim ng desk namin.

"Rebecca." Pakilala ko pabalik saka inabot ang kamay niya.

"Wala kabang kakilala rito?" Mahinang tanong niya pero nasa harapan ang tingin nito.

Umiling ako.

"Wala e, ikaw ba? Pwede ba kitang maging kaibigan?" Kagat labi kong tanong.

Napatigil siya sa paglalaro ng ballpen na nasa kanyang kamay saka bumaling sa'kin.

Pinakatitigan niya ako.

Mukhang mabait naman siya...

"Are you sure?" Tanong niya.

Tumango naman ko kaagad.

"Okay." Aniya at ngumiti.

Nginitian ko naman siya pabalik.

BSBA in Marketing Management ang course ko.

Kakayanin kong iraos para naman walang masabi ang magaling kong amo. At para narin kay Nanay...

Miss na miss ko na siya, ang tagal pa bago day off ko.

Natapos ang buong klase sa umaga, unang araw palang pero ang dami-dami na nilang pinapagawa.

Nandito kami sa cafeteria ni Farah.

Kumakain.

Nagkwentuhan kami sa mga bagay-bagay, nung una nangangapa pa kami sa isa't isa pero habang tumatakbo ang oras ay nagiging komportable na kaming parehas.

"Halika magbayad na tayo dahil klase na naman natin mamaya." Pag-aaya niya sa'kin.

Tumango ako at tumayo.

Kinuha ko ang pitakang nilagay ni Sir Zyair sa bag ko kanina.

Binuksan ko ito...

Nanlaki ang mata ko at agarang itinakip ulit.

Kaya napatingin sa akin si Farah.

Nagtataka niya akong sinipat.

"Why? Wala ka bang dala? Sagot ko na-" aniya.

Umiling ako.

"Hindi, meron akong dala." Taranta kong sagot.

Lumunok ako at tiningnan ulit ang laman ng pitaka.

Lilibuhin ang laman nito.

Alanganin pa akong dumukot ng isang libo.

Ayoko sanang galawin pero wala pa kasi akong pera dahil hind pa naman katapusan para sa sweldo ko.

Humugot ako ng malalim na hininga.

Pumila kami ni Farah dahil maraming tao.

Naputol ang pag-iisip ko ng may pwersang tumulak sa likod ko kaya muntik na akong matumba, maging si Farah at nadamay dahil sa lakas non.

Beg for It (Quadro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon