CHAPTER 5; What?

364 9 0
                                    

CHAPTER 5

Apple Point Of View


“Matagal paba?”inip na tanong ni Harmony sa'min.

Nandito kami ngayon sa labas ng council dahil hinihintay pa namin si Cherry. Pina-punta kase siya ng mama which is the head mistress dito kase may pag uusapan daw sila tungkol sa pagsali niya sa Academy. Dapat daw nandon siya nag papahinga at nag te-traning sa palasyo nila dahil may bantay do'n at hindi siya mapapahamak. Alam mo naman na gifted siya at kong mapapahamak siya siguradong magkakagulo ang buong mundo at nababalitaan din namin na sumusulong na ang kasamaan. Pero sila lang 'yong nakaka intindi sa mga sinasabi nila pero ako wala talaga akong maintindihan. Alam mo naman na bago lang ako rito at ang masaklap pa isa lang akong extra.

“Maghintay nalang tayo, hindi pa naman nagsisimula ang first subject natin diba?”napatango naman kami ng mahina sa sinabi ni kulog.

Maaga talaga kaming nagising dahil subrang excited daw nila pero ako kinakabahan. Wala naman akong alam sa mga magic at sa mundong ito, at mas masaklap pa wala pala akong ability at hindi kopa nasasabi sa kanila. Haist! Siguradong pabigat lang ako.

Sinulyapan ko naman ang katabi ko na seryuso lang na nagbabasa sa dala niyang libro. Ang tahimik talaga niya, gusto ko sana siyang kausapin o magtanong sa kanya pero natatakot ako baka didmahin lang ako nito. Parehas silang dalawa ni Cherry sobrang cold at minsan lang nagsasalita. Pero nagpapasalamat rin ako dahil hindi lang pala ako ang ordinaryong tao rito pati rin pala si Broccoli hindi siya maharlika pero ang pinagkaiba lang namin ay ang lakas ng ability niya dahil isa siyang wizard pero ako walang wala. Kaya kulang matulog na walang goodnight, Ang saklap talaga ng buhay ko!

At napapansin korin na napaka emosiyonal ko ngayon. Ang dalidali kulang maging malungkot dahil na siguro 'to sa mga taong namimis ko pero hindi ko sila makausap or makita manlang. Miss kuna si Mama at si Papa na nasa ibang bansa at 'yong mataray kong ate na hindi ko alam kong anong dahilan kong bakit galit siya sa'kin. At 'yong Ex-crush kong si Rex....and you're right he's my Ex-crush now may umagaw kase ng atensiyon ko at siya 'yong lalakeng ng ligtas sa'kin no'n si prince Rocco na may kahawig pero d ko maalala at naka maskara rin siya, mukha siyang
mysterious kaya hindi ko alam ang mukha niya at tanging pangalan lang niya at kong san siya naka tira ang alam ko.

Napatigil naman ako sa pag-iisip ng bumukas ang pinto ng council office at lumuwa don si Cherry na naka poker face at isang magandang babae na may pulang buhok na nasa mga 30s na ata, siguradong siya ang mama niya. Umayos naman kami ng tayo at nag bow sa kanya.

“Goodmorning po.”bati nila pero ako hindi ko alam ang sasabihin kaya nanahimik nalang ako sa gilid.

“Hello din sa inyo, Team five tama?”tanong niya kaya tumango kami ng mahina.

“I'm Queen Carolyn Hansen and the head mistress in this Academy and especially I'm her mother.”pagpapakilala niya at sinuri kami isa-isa. Ngumiti naman kami sa kanya hanggang dumako ang mata niya sa'kin.

Nagtaka naman ako ng may dumaan na emosiyon sa mga mata niya at pati narin sa'kin. It's new to me?
Hindi ko naman siya kilala pero nakakaramdam ako ng pangungulila, para bang nanay ko siya at sa tagal na panahon ay hindi ko manlang siya naka sama at ngayon ng kita kami? Parang ganon 'yong feeling ko.

“Hello, Queen Carolyn I'm Princess Harmony Charm from Harmonia.”pagpapakilala ni Harmony kay Queen Carolyn, ngumiti naman ito.

“Tita I'm your future in law I'm Prince Thunderstorms from lightning kingdom.”napatawa naman kami ng mahina ng magpakilala si kulog pati narin si Queen Carolyn ay natawa rin pero si Cherry ay napa irap lang.

Suddenly Reincarnated(RS#2)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα