EPILOGUE

490 10 0
                                    

EPILOGUE


Isang malamig na bagay ang naramdaman ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa'kin ang isang kakaibang lugar.

"You're finally awake."

I saw a guy in front of me, tiningnan ko mona ang aking katawan at wala manlang itong galos.

"Nasan ako? Nasan sila?"tanong ko kay kuyang uwak, naka maskara parin ito.

"They can finally live truly because of you, you save them."makahulogan nitong saad.

Tinutukoy ba niya ang mga kaibigan ko? Si Broc?

"Okay it's already time, I have to sent you in the real world."para itong nagmamadali kaya napahinto ako sa pagtatanong, ngumiti mona ito sa'kin bago niya hinawakan ang aking noo at sa isang iglap para akong nahulog sa isang bangin. . . .

At bigla akong napa balikwas nang bangon.

"Hah. . Hah. ."taas baba ang aking dibdib, tagaktak ang aking pawis habang hinahabol ang hininga.

Pinakalma ko mo na ang aking sarili bago tumingin sa kapaligiran. Nasan ako?

"Nasa hospital. . . "sabi ko sa sarili at agad na kinapa ang katawan, walang kahit anong sakit. . . napatigil ako.

Tumingin ako sa aking kamay at may nga likidong tumutulo ro'n, hinawakan ko ang aking pisngi at hindi mapigilang umiyak. Kusang nagsisilabasan ang aking mga luha at kahit na titigilan ko ay wala akong magagawa.

Napangiti ako ng mapait, nandito na ako. Naka uwi na'ko, parang panaginip lang 'yon lahat. Dapat maging masaya ako diba? Pero. . .

Tutuo ba talaga 'to?

"Pa, wag-"

Bigla namang bumukas ang pinto at do'n bumungad sa'kin ang mukha ni Lemon na gulat ring naka tingin sa direksiyon ko. Para siyang nasamento, ngingiti sana ako sa kanya pero agad akong nagulat sa kanyang ginawa.

"Apple!"napatulala ako habang pinapakiramdaman ang mainit niyang yakap.

Dahil sa kanyang ginawa mas lalong akong napa iyak hindi dahil sa kalungkotan kundi dahil sa saya. Bigla namang bumukas ang pinto at mas lalo akong napahagulhol ng makita ang mukha ni papa.

Nakabalik na siya?

"Anak ko!"sigaw nito habang kasama si mama na ngayo'y naiiyak rin.

Matatawag na siguro kaming OA Family Cruz.

Naramdaman ko ang yakap nilang tatlo dahilan para mabawasan ang kalungkotan. Nakasama kona sila, akala ko hindi kona sila makikita pa.

"Anak? May masakit ba sa'yo? Naaalala moba kami? Gutom kaba? Gwapo paba ang paningin mo sa'kin?"napangiti naman ako bigla dahil sa mga tanong ni papa.

"A-no kaba Aries, kahit 'yan tinatanong sa anak mo?"napangiti naman ako ng makita ang pagtatalo nila, miss na miss kona 'to.

"Anak, miss na miss kana namin at ng ate Lemon mo."niyakap ko naman si mama at humiwalay sa kanya. Tumingin naman ako kay Lemon bago siya muling niyakap.

"P-atawad, Lemon. Kong ano mang ginawa ko."bulong ko habang kayakap siya, naramdaman ko naman ang mahina niyang hikbi.

"Ako dapat ang humingi ng tawad, wala ka namang ginawang kasalanan."

Humiwalay ako ng yakap sa kanya bago ipinakita ang aking ngiti.

"Tutuo pala ang nabalitaan kong nag-away kayo? Bakit hindi niyo manlang sinabi samin?"bigla kaming napatigil at hindi manlang maka tingin kay papa.

Suddenly Reincarnated(RS#2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora