CHAPTER 23; Afterwards

286 7 0
                                    

CHAPTER 23

Third Person Point Of View


"Fvck you!"sigaw ni Broc at malakas na sinuntok si Regan sanhi ng pagkatumba nito.

"Ang lakas mong bata pero mas malakas pa ako sayo!"sigaw nito at umatake rin pero sadyang matalino si Broc at alam niya kong paano niya ito maiiwasan.

Patuloy lang sila sa paglalaban, lalaki laban sa lalaki habang sa kabilang banda ay dalawa laban sa isa.

"Semesty, anong ginagawa mo rito?"mahinang tanong ni Mapple sa babae na nasa harapan niya habang tinatago siya sa likod nito.

Ngumiti naman 'to sa kanya.

"Para iligtas ka'yong dalawa, patawad kong duwag ako Mapple pero kailangan ko'tong gawin."sabi nito.

"Wag mo siyang sasaktan Semesty, kino-kontrol lang siya."sabi niya sa babae.

"Wag kang mag alala, may plano ako at kailangan ko ng tulong mo."sabi nito at maka hulogang ngumiti sa kanya.

Tumango si Mapple dito at sinimulan ang kanilang plano.

"What are you doing? Gusto mobang mamatay?"takang tanong ni Cherry habang naka tingin kay Mapple na naka tunganga lang sa harapan niya.

"Diba gusto mo'kong patayin? Sige patayin moko!"asik nito kaya mas lalong nagtaka ang babae. Nasa kapangyarihan siya ni Regan kaya siguradong madali siyang maluko dahil uto-uto rin 'yong si Regan.

Napangisi si Cherry dahil sa narinig, hinanda niya ang sarili at gamit ang kapangyarihan ay lumikha siya ng espada. Sasaksakin na sana ang kaharap pero agad siyang napatigil ng bigla siyang tumilapon dahil sa pwersa galing sa likod niya.

"Hindi ba siya nasaktan?"nag-aaalalang tanong ni Mapple kay Semesty.

"Unti-unti lang para mawala ang ritwal sa katawan niya at sabihin mo sa kanya ang tutuo."paliwanag nito na agad niyang ikinatango.

Gamit ang nanghihinang katawan ay sinimulan nila ang pangalawang plano. Umatake si Cherry sa kanila kaya mas may pagkakataon sila na pwersahin 'to. Nilabas ni Semesty ang kapangyarihan niya at ginamit na naman 'to kay Cherry kaya mas lalo 'tong nagalit.

"Ito na."bulong niya kay Mapple kaya hinanda nila ang sarili.

Itinapat nila ang kanilang dalawang kamay.
"Ilabas mo ang kapangyarihan mo Mapple."utos nito sa babae.

"Pero, hindi ko kayang gamitin 'yon kapag-"

"Huminga kanang malalim, at isipin mong may kapangyarihan ka."tumango siya sa sa sinabi, huminga siya bago pumikit at sinunod ang sinabi nito.

May inerhiya bumubuo sa kanyang katawan kaya pagmulat ng kanyang mata ay nakakagawa na silang dalawa ng inerhiya. Mas pinalakas pa nila 'to at saka 'to ibinato kay Cherry.

"Gawin mona."

Dali-daling lumapit si Semesty sa babae at madali 'tong hinawakan habang pumipiglas 'to. Unti-unting nawawala ang ritwal kaya do'n niya ginamit ang kapangyarihan upang ibalik 'to sa dati.

Napatigil silang dalawa habang pinagmamasdan ang kaibigan na parang bago gising.

"M-apple?"mahina nitong sabi habang naka tingin sa kanya at hindi alam na dahilan ay napayakap siya rito.

Sobrang saya niya. . .

Nagulat naman ang dalaga dahil sa ginawa ng kaibigan at do'n pumasok sa isip niya ang ginawa niya dito.

"I'm s-orry. patawarin mo'ko."humagulhol 'to habang naka yakap sa kanya, parang may dumaang anghel sa paligid.

Kumalas ng pagkakayakap si Cherry sa kanya at tumingin sa paligid.
"Nasan si Regan?"may halong galit nitong tanong.

Suddenly Reincarnated(RS#2)Where stories live. Discover now