SPECIAL CHAPTER; SR Couples

405 11 1
                                    

Special Chapter

SR COUPLES
(Buhay nila if nasa real world)

Harmony x Thunderstorm (short scene)

Tahimik akong nakatitig kay Kayla at ang lalaking kakarating lang ngayon sa classroom namin. Bumigat ang aking pakiramdam habang naka tingin sa kanilang dalawa, hayss ano ba'tong pinasok ko! Oo gusto ko'yong lalaki pero gusto niya naman itong class president namin. Wala akong laban.

"Kunwari pa'tong si Thunder, may crush lang pala dito sa classroom namin!"

Naging maingay naman ang buong paligid dahil sa asaran, napa simangot naman ako at pinipigilan ang nararamdaman. Bahagya pa akong tumingin sa kanila pero agad ring nagulat dahil biglang nagtama ang mga mata namin no'ng lalaki.

Teka. . . Dito ba siya naka tingin?

"Ano bang paki-alam mo kong meron nga."pagbabara nito sa nagsabi, mas lalo namang umingay ang classroom.

"Wohhh! Aminin mona. Valentine's day pa naman ngayon!"

"Aminin!"

"Parang alam kona kong sino!"

"Sino ba, Thunder?"

Edi si Kayla. Sino paba?

"Baka magalit siya sa'kin eh,"pilyo nitong sagot kaya mas nagkagulo ang classroom.

Napapikit naman ako dahil sa ingay. Nakakainis naman 'to, bakit nakikita ko'to ngayon?

"Hindi naman magagalit si pres eh."natahimik naman ang buong paligid dahil sa may biglang nagsalita.

Nakita ko naman na nataranta si Kayla at agad na nag deny. Ang swerte mo pres, kong ako lang 'yan hindi ko talaga id-deny.

"Hindi naman si President ang gusto ko."napatigil ako dahil narinig.

"Edi sino?"

"Miss Cazantes, magagalit kaba kapag sinabi kong 520?"natuon lahat sa'kin ang atensiyon nila.

Hala, bakit ako ang tinanong niya?

"A-nong 520?"utal kong tanong rito, pati narin ang mga kaklase ko ay hindi rin nila alam.

Nagtama muli ang paningin namin at parang kina-kandado ako nito para huwag nalang tanggalin ang tingin ko sa kanya. Ngumiti ito ng nakakaluka bago sinagot ang tanong ko kanina.

"Sabi ko, magagalit kaba kapag sinabi kong 'I love you'?"

At do'n biglang nagkagulo ang buong paligid dahil sa narinig. Habang ako ay laglag ang panga na naka tingin lang sa kanya.

Is this for real?



Victoria x Elastic Claus (short scene)


"Hello bakla, miss na miss kita!"agad akong lumapit kay Claus at bigla itong hinalikan sa pisngi. Miss na miss kona ang baklang ito.

Bigla naman siyang nagulat dahil sa ginawa ko at nangunot bigla ang aking noo ng makitang namumula ito.

Suddenly Reincarnated(RS#2)Where stories live. Discover now