CHAPTER 19; The Letter

234 8 0
                                    

CHAPTER 19

Apple Point Of View


Umoulan ng malakas kagabi kaya madali akong nakatulog pero ito pala ang bubungad sa'kin kina umagahan.

"What are you doing? Bakit mo nilagyan ng asin!"narinig ko ang tinig nila sa baba kaya dahan-dahan akong bumaba ro'n.

Pero napanganga nalang ako sa nadatnan.

Makalat na kusina,

Bakit umousok?

Anong nangyari?

Gulat silang napatingin sa'king tatlo, mukha silang mga bata na naabotan ng nanay nila habang may ginagawang kalokuhan.

"Anong ginagawa niyo?"tanong ko rito.

Lumayo naman sila do'n sa niluluto at biglang naging tuta.

"Nagluluto kami ng lugaw, nilalagnat kasi si Broccoli."paliwanag ni Kulog, biglang nanlambot ang puso ko.

Really? Matatawa ba ako o matutuwa? At nilalagnat si Broc?

"Ako na diyan, nasan ba si Broc?"tanong ko habang inaayos ang kalat nila.

"Nandon, binabantayan ni Mesty."sagot ni Harmony.

"Ako na dito, puntahan niyo na sila. At may pasok pa kayo ngayon kaya maghanda na kayo."utos kosa kanila na parang ako 'yong nanay.

Nagsi-alinsan naman silang tatlo at dali-daling umakyat sa hagdan. Ano ba kasing ginawa nila kagabi at ang tagal nilang umuwi?

Pagkatapos kong magluto ng lugaw ay agad akong umakyat papunta sa kwarto ni Broc, naririnig ko naman ang ingay nila sa loob.

"Nandito na ang lugaw, hali ka big bro kumain ka mona."bigla akong natawa sa inasta ni Kulog, para siyang ewan.

Napatingin naman ako kay Mesty na naglalagay ng bimpo sa noo ni Broc, hindi ko alam na ang dali niyang nakuha ang mga tiwala namin. Pero hindi ko parin sinasabi sakanila ang tutuo, at hindi korin nakakausap si Mesty.

"What are you doing, ayosin mo ang pag subo sa kanya."agad namang inagaw ni Cherry ang hawak ni Kulog at siya na ang nagsubo kay Broc.

Napatigil ako ro'n. . . Mukhang masaya siya.

"Ano ba kasing ginawa niyo kagabi at nagkalagnat si Broc?"tanong ko at lumapit sa kanila.

"Sorry talaga, kasalanan ko. Nagka ayaan lang kami nila Nex tapos umulan ng malakas at nabasa si Broc kakahatid sa'min."mukha namang sincere si Kulog pero hindi mapigilan ng kilay ko na kusang tumaas.

Nagka-ayaan? Mga prinsepe? May broken hearted siguro sakanila. Baka si Elastic?

"Sino ang magaalaga kay Broc dito? "tanong ni Harmony.

"Ako."

"Ako nalang."

Nagkatinginan naman kami ni Cherry dahil sabay kaming nagsalita, tumatango-tango naman si Kulog habang kaharap si Broc at parang may kakaiba sa kanila.

"Cherry, diba ikaw ang leader sa training ng mga junior? Kailangan kasa S.A."sabi ni Kulog rito, napatigil naman si Cherry at tumango.

"Kaya tayo na, si Mapple nalang ang magbabantay kay Broc."parang hindi sigurado si Cherry pero hinila na siya ni Kulog, sumabay din nila si Harmony.

"What about Mesty?"tanong ni Cherry at tumingin kay Mesty na ngayo'y naka tingin rin sakanya.

"Dito lang mo na ako, may aayusin pa ako sa kwarto."sagot nito kaya tumango-tango sila, bago pa isara ni Kulog ang pinto ay nagtataka akong tumingin sa kanya ng bigla nalang siyang nag thumbs up.

Suddenly Reincarnated(RS#2)Where stories live. Discover now