CHAPTER 22; Before 2/2

218 7 0
                                    

CHAPTER 22

Apple Point Of View


"Cherry please, maniwala ka sa'kin. Ginagamit kalang niya."pagmamaka-awa ko rito habang naka luhod sa kanyang harapan.

"Shut up! You deserved this. Ayaw konang maniwala sa'yo! You lied to me! All of you!"sigaw nito at tiningnan lang ako nang walang awa.

"Pero wala siyang kasalanan dito! Wag mo siyang idamay."dagdag ko habang umiiyak, nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata pero agad itong nawala at napalitan ng galit.

"Wag mo'kong diktahan! Hinding-hindi nako makikinig sa inyo!"sigaw nito at iniwaksi ang mga kamay ko.

"W-ag Cherry, wag mong idamay si Broc at ang mga kaibigan natin."nanghihina kong saad dito pero tinalikuran lang ako nito.

Hindi siya si Cherry. Nakikita ko mismo sa mga mata niya. . . .

Napapikit ako habang dinadama ang sakit, ngayon ang huli kong araw. Araw ngayon ng pagbitay ko at gaganapin 'to sa death ground. Sa gitna ng academia kong saan masisilayan nang lahat ang kamatayan ko. Ngumiti ako kahit papa'no maiiligtas ko si Mesty.

Ang pamilya ni Mapple, ang pamilya ko. . . .

"Dalhin siya sa Death Ground, ihanda ang pagpatay sa kanya. Masisilayan ng buong mundo ang pagpatay sa prinsesa ng kadiliman."rinig kong utos ni Regan sa mga kawal na agad nilang sinunod.

Napapikit ako habang iniinda ang sakit nang paghila nila sa'kin. Maraming galos ang aking katawan habang madumi ang aking suot na puting bistida. Ang aking berdeng buhok ay nagiging maitim dahil sa alikabok at sobrang putla kopa dahil sa walang kain.

Lumabas kami sa malaking pintuan bago bumungad sa'kin ang nasa labas, napayuko ako at iniiwasan ang mga tingin ng mga tao. Pinlano ba 'to? Bakit parang halos lahat ang nandito sa pagpatay ko? Hila-hila lang ako habang may mga kawal ang naka sunod sa'kin.

Makulimkim ang langit parang may hindi magandang mangyayari ngayon. May kakaiba na naman akong nararamdaman sa katawan ko. Pamilyar na pamilyar pero hindi ko maalala. . . .

"Ihanda ang pagsunog!"

Biglang nanlaki ang mga mata ko at agad na napatingin kay Regan na naka ngisi ngayon sa'kin. Alam niya kong pa'no kami papatayin? Kinontrol na naman ba niya si Cherry at pinalitan ang hakbang sa pagpatay.

Bakit hindi ako na inform na susunogin ako?

Nanginginig naman ang buo kong sistema, kong ako palang sana si Apple Cruz siguradong tumakbo na ako ngayon pero hindi pwede. Ako si Mapple Dutch o kilala bilang Mapple Hansen. . .

Teka ngalang. . . Mapple Hansen? Imposible naman yata.

Bigla akong napaluhod dahil sa malakas na pagtulak, tumayo akong muli at naglakad paakyat sa toktok nang isang bato. Parang nasa isang maliit na stage ako habang may naka palibot na maraming malaking kahoy sa'kin para sunogin 'to.

Hinila nang kawal ang aking kamay at tinali 'to sa pataas na bato para hindi ako maka galaw.

"Mapple! Anong ginagawa mo? Umalis ka diyan!"napatigil ako dahil sa isang sigaw.

Ngumiti ako dito habang nag-aaalala 'tong naka tingin sa'kin habang ang mga kasamahan ko ay pinipigilan ng mga kawal.

"Fvck itigil niyo 'to! Tanggalin mo ang kapangyarihan mo sa'kin Cherry!"nagkakagulo naman sila dahil sa galit ng mga kaibigan ko, halos nandon silang lahat.

Napangiti ako ng bahagya, mamimiss ko sila. Kahit sa kamatayan ko nandito parin sila.

Kinabahan naman ako bigla ng gamitan sila nang kapangyarihan ni Cherry at napasigaw sila dahil sa sakit. Nagsinghapan ang mga reyna at hari sa paligid pero wala silang magagawa. Nasa first rule kaya walang pwedeng tumutol. . .

Suddenly Reincarnated(RS#2)Where stories live. Discover now