SPECIAL CHAPTER; Semesty True Story

249 10 0
                                    

Special Chapter

Semesty


"Protektahan tahan niyo ang isa't Isa habang wala ako sa piling niyo. Mahal ko kaayo mga anak ko."huling habilin ng aming ina habang nagiging mga paro-paro ang kanyang katawan at naglaho.

Napayakap ako sa aking kapatid na babae, siya si Serenity. Ilang taon lang ang agwat namin dahil sa kakaibang paraan kami ipinanganak ng aming ina. Sa gitna ng karagatan naka tira ang aking kapatid dahil siya ang nagmana sa kaharian ng aking ama habang ako ay namamahala sa lupa.

"Ang ganda-ganda mo Semesty, bagay sa'yo ang pang ipit na 'to."napangiti ako sa kanyang sinabi, naka harap kami sa salamin ngayon habang inaayosan niya ako.

"Salamat, nabili ko 'to sa bayan kanina."pahayag ko na ikinalaki ng kanyang magagandang mata. Kulay asul 'to habang ako ay kulay pula, magkaibang-magkaiba kami.

"Wag monang uulitin 'yon Semesty, baka may makakilala sa'yo."ngumiti ako rito at umiling-iling.

"Wag kang mag-alala kapatid, gumamit naman ako ng mahika."sagot ko at tumayo, may mahalagang trabaho pa ako sa araw na 'to.

Lumabas na'ko sa maliit na bahay-bahayan ng aking kapatid at bumungad sa'kin ang maaliwalas at payapang karagatan. Inaalon ng hangin ang aking mahabang buhok habang ako'y naka tingin sa lupa.

"Mag-iingat ka, bibisita lang ako sa lupa kapag may oras ako."sabi niya at kumaway sa'kin, kumaway ako pabalik at ginamit ang aking kapangyarihan para makalikha ng tulay papunta sa lupa.

"Alam mo bang bawal ang magnakaw sa harden ko."sabi ko sa isang lalake, nakita ko kasi siyang kumukoha ng prutas sa aking harden na walang pirmiso.

Gulat 'tong tumingin sa'kin at bahagyang napatulala, ngayon lang siguro niya ako nakita.

"Patawad binibini, hindi ko kasi alam at nagugutom ang aking kasamahan do'n sa bandang dalampasigan."paumanhin nito pagkatapos ay ngumiti ng matamis, natuod ako sa aking kinatatayuan at kusang bumilis ang tibok ng aking puso.

Ano bang meron sa lalaking 'to?

"Ayos lang, sa susunod manghingi ka mona ng pirmiso bago kumuha ng isang bagay."sabi ko rito at nagpakita ng kaunting ngiti.

Simula ng pagkikita naming 'yon ay palagi na kaming magkasama, isa pala siyang pirata sa karagatan. Sabi niya sila ang huling pirata na natitira rito sa mundo, ang pangalan niya ay Regan.

"Binibini, hindi moba gusto ang aming pinuno?"tanong ni Alan sa aking tabi habang naka tanaw kami sa karagatan.

Simula no'ng makilala kosi Regan ay may kumaka-usap na sa'king tao. Marami na'kong nakikilala at isa do'n si Alan, tinuturing kona siyang kaibigan.

"Huh? Anong gusto?"takang tanong ko rito, bagay ba si Regan na maganda kaya magugustohan ko?

"Binibini, ang gusto ay parang 'yong tumitibok ng mabilis ang puso mo kapag nakikita mo siya, parang humihinto 'yong oras at gusto mo siyang pakasalan."paliwanag nito na ikinalaki ng aking mga mata.

"Gusto kosi Regan? Nararamdaman korin 'yan sa kanya."sabi ko kaya bigla siyang napatawa.

"Hays, kinikilig tuloy ako."sabi nito at natatawang umalis sa aking tabi, napatulala naman ako ng ilang sigundo.

Ang lahat ng sinabi niya at nararamdaman ko kay Regan maliban nalang sa gusto ko siyang pakasalan, nakakahiya naman siguro 'yon. Magkaibigan kami pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Sa nagdaang pagkakaibigan namin ni Regan ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam, Ito siguro ang sinasabi nilang pagmamahal at nararamdaman kona 'yon. Hulog na hulog na'ko sa kanya pero natatakot akong malaman niya, pa'no na kapag nalaman niyang prinsesa ako ng mga diwata sa lupa at may tinatagong kaharian? Baka hindi niya ako matanggap.

Suddenly Reincarnated(RS#2)Where stories live. Discover now