CHAPTER 18; New Member

262 7 0
                                    

CHAPTER 18

Apple Point Of View


Napatulala ako sa hangin habang naka tingin sa mga kasamahan kong nakahiga sa kama ng infirmary.

"Gising kana Mapple, may masakit ba sa'yo? Nagugutom kaba?"unang bumungad sa'kin ay ang sabog na mukha ni Kulog.

"Nasan ako? Anong nangyari?"sunod-sunod na tanong ko, hindi ko naman kasi maalala. Tanging naalala kolang ay 'yong may dumating na babae at sinakal ako, pati narin 'yong kay kuyang uwak at si Cherry.

"Mahirap sabihin, kasi wala rin naman akong alam. Basta nakita nalang namin ka'yong tatlo na naka handusay sa likod ng palasyo."pahayag nito, oo nga magkasama pala kaming ta- anong tatlo?

"Sinong pangatlo?"agad na tanong ko at sinubukang bumangon.

"Hindi mo kilala 'yan?"sabay turo sa tabi ko, dahan-dahan naman akong tumingin ro'n at halos manlaki ang mga mata ko ng makita ang babae na walang malay.

"Anong ginagawa niya rito? Sino 'yan! "Sinubukan kong bumangon para puntahan ang babae pero agad niya akong pinigilan.

"Huminahon ka Mapple, wag mo siyang gisingin. May panic attack siya baka magkagulo naman dito sa loob."napatigil ako, basi sa mukha ni Kulog parang stress na stress nga siya.

"Anong ibig mong sabihin?"I asked.

"Tatlong araw na ka'yong walang malay dahil nawalan ka'yo ng lakas at sabi ng doctor may panic attack 'yang babae. Nagulat kasi siya ng malaman niyang nandito siya at minsan bigla-bigla nalang siyang umiiyak."paliwanag niya, natahimik ako ro'n. Gusto kong sabihin kay Kulog na kalaban 'yang babae dahil muntik na niya kaming mapatay pero may pumipigil sa'kin.

Kong titingnan mo siya ngayon, mukha namang mabait siya pero hindi nako magpapaluko, ang sakit pa naman ng leeg ko. Hihimasin kona sana ang leeg ko ng may maramdamang matigas rito.

"Bakit sinamento 'tong leeg ko?"takang tanong ko kay Kulog.

"Ah, sabi ng doctor aabutin pa'yan ng ilang araw bago gumaling. Muntik nangang mabali ang leeg mo."pagkatapos niyang sabihin 'yon ay para akong nahimatay.

"Oy okay kalang, biro lang 'yong muntik!"dali-dali siyang lumapit sa'kin pero agad ko siyang hinampas dahilan para mapa daing siya.

"Hindi maganda 'yang biro mo!"sigaw ko habang lumalayo siya, sinubukan kong huminahon at dahan-dahang sumandal sa headboard ng kama.

Kahit anong parte basta wag lang ang leeg, lord gusto kopang bumalik sa earth!

"Nasan ang grupo nila Vic?"tanong ko ng huminahon na.

"Nag iimbistiga sila ngayon, tinatawag ang mga pro student sa S.A. dahil may meeting sila. May inaalam pa sila kong bakit ang laki ng damage do'n sa kagubatan ng Red kingdom."paliwanag niya.

"Ano bang nangyari sa kagubatan?"

"Hindi mo alam? Do'n namin ka'yo nakita, hindi namin masuri kong sinong kapangyarihan 'yon. Kakaiba kasi, may natitira pang inerhiya ro'n hindi katulad no'ng nasa kweba tayo."paliwanag nito, napatango-tango ako at sinubukang alalahanin ang nangyari pero hanggang sa pagsakal lang talaga ng babae ang naaalala ko.

"Si Broc, nandon rin ba siya sa meeting?"

"Obvious ba, hindi naman 'yon nawawala kapag tinatawag ang mga pro student."naka simangot nitong turan.

"Hindi na'ko magtataka kong bakit wala kado'n."pagbibiro ko.

"Buti nga binabantayan ko kayo, ako patalaga ang inotusan nila. Nandiyan naman si Nex."padabog 'tong tumayo at pumunta sa gawi ni Harmony at umupo sa upuan ro'n.

Suddenly Reincarnated(RS#2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt