CHAPTER 21; Before 1/2

217 8 0
                                    

CHAPTER 21

Apple Point Of View

"Nanganganib ang buhay niya."iyan ang bumungad sa'kin ng magising ako sa sakit ng katawan. Bumungad ang nag-aalalang mukha ni Venom sa harap ko, tao parin siya?

Dumako ang paningin ko sa pintuan ng may pumasok dito, si Kuyang uwak. Akala koba iniwan na niya kami?

"Nasan tayo?"tanong kosa kanila.

"Nasa kagubatan, kailangan nating magtago."paliwanag ni Venom, taka ko naman siyang tiningnan at tumingin rin sa lalaking naka sandal sa pader habang naka cross ang mga kamay sa dibdib.

"Nanganganib ka'yo,"tanging sabi lang niya.

"Huh? Ipaliwanag niyo nga?"I asked again,  really confused.

"Let's wait when she wake up, nasa kanya ang sagot ng tanong mo."sabi nito habang naka tingin sa kabilang kama, nakita ko naman ro'n si Mesty na naka higa at walang malay.

Wala na siyang sugat?

Kinapa ko ang aking balikat at wala narin do'n ang sugat ko, paano? Ginamot ba?

"Bakit hindi na tayo bumalik sa academia?"nagkatinginan naman sila.

"Hindi pwede, nandon na si Regan at sigurado akong minamanipula na niya ang mga utak ng tao ro'n."paliwanag niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Pano ang mga kaibigan ko ro'n? Si Broc? Okay lang kaya siya?

Napatigil naman ako sa pag-iisip ng biglang gumising si Mesty, para siyang hinabol ng aso dahil bigla siyang napabalikwas. Kita ko naman sa mata niya ang pag-papanic.

"Nasan ako?"

"Wag kang mag-alala prinsesa. Nasa ligtas na lugar tayo."paliwanag ni Venom.

Bakit kanina pa siya nag p-prinsesa sa kanya? Anong hindi ko alam?

"Nasan si Regan? Kailangan ko siyang patayin!"galit niyang bigkas at tatayo sana ng pigilan ko siya.

"Mapanganib, hinahanap ka nila ngayon. Malalakas sila, hindi natin sila kaya."bigla namang huminahon si Mesty sa sinabi ni Venom, napatulala 'to.

"Anong nangyari?"tanong niya at hinarap ang dalawang lalake.

"Bago pa suminag ang araw, Regan plan already begin. He have the power of your sister, at nasa kanya rin ang isang itinakda."paliwanag ni Kuyang uwak.

"Anong itinakda? Si Cherry ba ang tinutukoy mo?"tanong ko rito.

He nod and spoke again.
"He control your sister mind Mapple, kaya wala tayong magagawa."

'sister' hindi parin ako sanay, parang ayaw kong maniwala.

"Pwede naman nating kausapin si Cherry, magpapakilala ako na ako ang nawawala niyang kapatid."umiling-iling siya.

"Mas lalong gugulo, nalaman ng kapatid mo na mahal kani Broc. Siguradong mag-aapoy 'yon sa selos at kapag nakuha ka ni Regan siguradong katapusan na ng mundo."napatulala ako. . . Si Broccoli. .

"Anong gagawin natin? Wala tayong laban."

"Meron, nasa atin ang dalawang alas."sabat ni Venom.

"Sino? Tayo lang namang apat dito?"

Bigla naman akong itinuro ni kuyang uwak at pagkatapos no'n ay ang katabi ko. Nagtaka naman si Mesty at agad na umiling-iling.

"Ako lang ang lalaban, masyadong mapanganib sa kanya."sabi niya, sila lang ang nagkakaintindihan.

Suddenly Reincarnated(RS#2)Where stories live. Discover now