CHAPTER 9; Green Kingdom

290 12 1
                                    

CHAPTER 9

Apple Point Of View


"You may go now."agad naman kaming tumayo ng sabihin ni Mrs. Wright 'yon.

Mrs. Wright gave us a paper, sabi niya na ang mga naka sulat ay ang mga bagay na kukunin namin para maka gawa kami ng possion. At buti nalang talaga at iba-iba ang task namin at hindi kami pareha sa ibang team ng task,kaya hindi kami mag-aagawan.

Napatingin naman ako sa Team 10 at nakuha ng aking atensiyon 'yong lalake kanina. Nangilabot naman ako dahil bigla nalang itong kumindat sa'kin, grabe 'yong nangyari kanina buti nalang at dumating si Mrs. Wright haist! Dapat kong iwasan ang lalakeng 'yon.

"Ang dali lang ng second task natin, para lang tayong namamalengke."He said with smug tone, para bang ang dali lang sa kanya.

"No, hindi sila madali."

"At bakit naman?"tanong ni Kulog sa sinabi ni Cherry.

Kinuha niya ang papel na hawak niya at tiningnan ito.
"Base sa naka sulat rito, may lima tayong kukunin na Ingredients para sa possion, pero.......ang mga lugar na pagkukunan natin nito ay sobrang dilikado."kominto niya habang naka tingin parin sa papel. Inagaw naman ito ni Kulog at tiningnan.

"Patay, oonga at isa na do'n ang land of Pandemonium."nagtaka naman ako sa pangalan ng lugar, pandemonium? Magulo?

"Anong meron sa pandemonium?"tanong ko na ikinatingin nila sa'kin.

"Seriously, hindi mo alam?"tanong ni Cherry sa'kin kaya napa kibit balikat ako at tumango ng mahina.

"Sa'an kaba pinanganak?"naguguluhang tanong ni Kulog sa'kin.

"Idi sa hospital, saan paba at naka kain kase ako ng lason kaya nawalan ako ng ala-ala."sagot ko kaya nagulat sila.

"What kind of poison?"biglang tanong ni Broccoli.

"Ahmm, a poison apple?"mas nagulat naman sila sa sagot ko. Ano bang problema?

"You're a suicidal person, right?"Harmony asked me with concern voice na ikinataka ko. Ako suicidal?

"No I'm not,"

"But why do you eat a poison apple? If your not a suicidal person?"

"Ano bang meron sa apple na'yon?"bumuntong hininga naman siya sa tanong ko.

"Poison apple, 'yan ang kadalasang kinakain ng mga taong gustong magpakamatay dahil hindi nila nakikita ang minamahal nila, kadalasan 'yong nangyayari sa mga batang galing sa ampunan."nagulat naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Harmony. Wait...what at bakit naman kaya kumain si Mapple ng ganitong lason? Parang may tinatago siya na hindi ko alam?

"So sinasabi mong si Mapple ay nagpakamatay dahil nalaman niya na ampun lang siya?"gulat na kominto ni Kulog.

"No, baka may ibang pinagdadaanan si Mapple kaya kumain siya ng gano'n na lason pero......bakit buhay ka ngayon?"taka niyang tanong sa'kin, naningkit naman ang mata ko dahil parang hindi pa siya masaya na buhay ako. Pero...bakit ngaba ako buhay?

"Bat parang hindi ka masaya na buhay siya?"

"No, I'm just curious."pagdidipinsa nito na ikinatango nila. Bumalik kami sa paglalakad habang ako ay marami paring iniisip, bakit ngaba kumain si Mapple ng lason? Hindi naman pwedeng hindi niya alam na lason 'yon diba?

Sabi kase ni Ginang Dotch na matalino si Mapple na ako na ngayon ehh bakit siya kumain ng lason? Ehh alam naman niyang lason 'yon? Parang may hindi pa talaga ako nalalaman tungkol sa kwentong 'to.

Suddenly Reincarnated(RS#2)Where stories live. Discover now