Sueno

12 1 0
                                    

Hinanap kita nang makarating na ako sa pagkikitaan natinAkalain mo, nagkatotoo itong pagkikita natinWAla nang mas hihigit pa sa nararamdaman ng aking sariliKAsama ka ay siyang dahilan ng aking ngiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hinanap kita nang makarating na ako sa pagkikitaan natin
Akalain mo, nagkatotoo itong pagkikita natin
WAla nang mas hihigit pa sa nararamdaman ng aking sarili
KAsama ka ay siyang dahilan ng aking ngiti

Nang makita kita, saka kita nilapitan at niyakap agad
"Mas guwapo ka talaga sa personal."
Oh, buhay, sana ito'y magtagal pa
ANg bawat sandaling ito'y aking iingatan

Ginawa natin lahat ng mga pinagusapan natin
Ang saya lang dahil sa 'yo ko pa naranasan lahat ng 'to
KInikilig sa bawat sandaling nakatitig ka sa akin
Nang mahagkan mo ako, ako'y napatanong ng "totoo ba 'to?"

Ginising ako ng aking sarili at nakita kong gabi pa pala
KAasar, Panaginip lang pala ang lahat
MAsaya na ako na kahit sa panaginip mo ako niyakap
'Yon nga lang, unan lang pala ang aking kayakap

El Pasado es Para ser OlvidadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon