(Published under CLP)
-
Mga tulang pinagpuyatang isulat tuwing gabi
Para sa tatlong tao na nawala sa aking tabi
Sa pagsusulat ko ng mga tulang ito, sila ang naging susi,
Sa pintuan kung saan makikita ang aking mga pagsisi
Araw-araw, lagi akong nagba...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Bakal sa kaniya'y nakapalibot Makikita mong siya'y nangingilabot Hindi mawari kung bakit hanggang doon umabot kamay niya'y pilit niyang inaabot
Susi ng selda'y tinago ng kaniyang utak Dahil nais ng kaniyang puso na makahanap ng itak Para ang mahal niya'y kaniyang mahatak Ngunit mukhang siya'y mapapasabak
Muling nasaktan ang kaniyang puso Nagpadala kasi ito sa tukso Kaya humihina ang kaniyang pulso Kaya marapat na makulong ang tulad niyang tuso
Ayaw na ng kaniyang isip na masaktan Damay siya sa ginagawa niyang kahangalan Kaya mula ngayon, babantayan niya ang selda Iingatan na ang puso para siya'y maging handa