Nakatayo ako at nakita kita sa kabilang gilid
Kung alam mo lang, gusto ko nang tumawid
Pero mukhang may nakamasid
Baka hindi na ako makalabas sa loob ng silidDelikado 'tong ating ginagawa
Pero mukhang tayo pa'y natutuwa
Kita sa mga ngiti nating dalawa
Mukhang tayo'y nagkakaunawaNakatingin lamang ako sa 'yo
Handa ka na ba sa gagawin ko?
Ilalapit ko na ang mga paa ko,
Sa linya na namamagitan mula sa 'yoWalang alinlangan akong tumawid sa linya
Pakiramdam ko'y sa'yo ako liligaya
Ang aking kaligayahan ay akin nang tinaya
Pero bakit pakiramdam ko na ako'y dinaya?
YOU ARE READING
El Pasado es Para ser Olvidado
Poetry(Published under CLP) - Mga tulang pinagpuyatang isulat tuwing gabi Para sa tatlong tao na nawala sa aking tabi Sa pagsusulat ko ng mga tulang ito, sila ang naging susi, Sa pintuan kung saan makikita ang aking mga pagsisi Araw-araw, lagi akong nagba...