Ang Simulan ng Katapusan

4 1 0
                                    

Sana masaya ka ngayon Ayan ang tangi kong hiling para sa 'yo Na kahit na pinaasa mo ako Ayos lang sa akin kahit na nilayuan mo ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sana masaya ka ngayon
Ayan ang tangi kong hiling para sa 'yo
Na kahit na pinaasa mo ako
Ayos lang sa akin kahit na nilayuan mo ako

Minahal kita kaysa sa kaniya
Ang hirap lang kahit na alam kong masasaktan siya
Kahit na ganon, mas pinili pa rin kita
Ang nangyari nga lang, nagawa mo akong iwan

Lagi na lang akong natutulala at napapaisip...
"Iniisip niya rin ba ako?"
Mukhang binura mo naman na ako sa buhay mo;
Umaasa pa rin ako na ako pa rin ang iyong iniisip

Tama nga ata ang sinabi nila
"Ang tanga mo para mapaibig niya"
Nagawa ko lang Namang magmahal
Ang hindi ko lang maintindihan, bakit mo ako nilayuan?

Kaya kahit na marami akong tanong
Iintindihin ko na lang na lahat ng bagay ay hindi nasasagot
Tatanggapin ko na lang ang nangyari
Ang daling sabihin ngunit mahirap gawin

El Pasado es Para ser OlvidadoWhere stories live. Discover now