(Published under CLP)
-
Mga tulang pinagpuyatang isulat tuwing gabi
Para sa tatlong tao na nawala sa aking tabi
Sa pagsusulat ko ng mga tulang ito, sila ang naging susi,
Sa pintuan kung saan makikita ang aking mga pagsisi
Araw-araw, lagi akong nagba...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Walang kamuang muang na ako'y napaibig bigla Tinamaan ako ni Kupido gamit ang kaniyang pana Sa sobrang sakit para akong tinamaan ng bala Kupido? Ito bang nararamdaman ko'y mawawala?
Gusto kong makita at makausap si Kupido Dahil ang puso ko'y talagang desidido Kahit na magmukha akong desperado Matanggal lamang ang palaso sa aking puso
Bakit Kupido? Bakit ang tagal ng palaso mo? Nagkataon pang ako'y may karelasyon Kaya ito ako, ang mga luha ko'y tumutulo Kaiisip sa mga nangyari para na akong siraulo
Hindi ko alam kung ikaw ba'y sisisihin Ayokong makausap ka kahit may gusto ka pang sabihin Ang nangyari sa akin ay kasinglinaw ng tubig Kaya ngayon, hirap na akong umibig muli