(Published under CLP)
-
Mga tulang pinagpuyatang isulat tuwing gabi
Para sa tatlong tao na nawala sa aking tabi
Sa pagsusulat ko ng mga tulang ito, sila ang naging susi,
Sa pintuan kung saan makikita ang aking mga pagsisi
Araw-araw, lagi akong nagba...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Mag-isang naka-upo sa harap ng bundok Gusto ko pang matulog dahil ako'y inaantok Ngunit mga alaala sa akin ang naguudyok At tumilaok na rin ang mga manok
Balisa akong nakatitig sa kawalan Hinihintay na may mangyari sa kalawakan Patuloy na nagluluto sa kalan Habang patuloy na bumubuhos ang ulan
Mga pagkakamali ko'y kaniyang binilang Para silang mga hindi sinilang Isa lang akong imperpektong nilalang Na palagi nilang nila-lang
Sinalubong ang bukang liwayway habang wala na akong kaakbay Sana liparin ng hangin gamit ang pamaypay, Ang mga alaala na punong puno ng lumbay