Traydor

5 1 0
                                    

Napatingin ako sa 'yo habang ika'y naglalakadAlam ko, ako lang ang iyong hangadPero matapos kong ilahad lahatHindi ka na nagdalawang isip na umalis agad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napatingin ako sa 'yo habang ika'y naglalakad
Alam ko, ako lang ang iyong hangad
Pero matapos kong ilahad lahat
Hindi ka na nagdalawang isip na umalis agad

Binigay ko ang aking salita
Binigyan kita ng kasiguraduhan, sinta
Na ikaw lang ang laman ng aking kanta
Pero bigla kong nabigay sa iba

Akala mo siguro hindi ako nagsisisi?
Akala mo siguro na ako'y nakakangiti?
Akala mo siguro naging masaya ako sa nangyari?
Alam mo bang hindi na ako makatulog tuwing gabi?

Pinanood lang kitang maglakad palayo
Nagulat ako nang bigla kang huminto
Hindi ka nagalinlangang lumingon
At sa mga mata ko'y, ika'y naglaho

El Pasado es Para ser OlvidadoWhere stories live. Discover now