(Published under CLP)
-
Mga tulang pinagpuyatang isulat tuwing gabi
Para sa tatlong tao na nawala sa aking tabi
Sa pagsusulat ko ng mga tulang ito, sila ang naging susi,
Sa pintuan kung saan makikita ang aking mga pagsisi
Araw-araw, lagi akong nagba...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Patungo ako sa hilaga Para mahanap ang aking halaga At nang ako'y makarating, nakita ko talaga Nakita ko ang hinahanap kong hiwaga
Habang ako'y naglalakbay Nakakita ako ng tulay na maraming kulay Bahagharing nagbigay sa akin ng buhay Para sa kaluluwa kong malapit nang mamatay
Naalala ko tuloy ang tanong sa 'kin "Bakit gusto mo pa rin siyang yakapin?" Kahit wala siyang balak na ika'y ibigin Dahil sa pagibig, ako'y naging alipin
Nang makita ko na ang aking hinahanap Bigla akong natulala at napakurap Nawala ito sa aking harapan ng isang iglap Akala ko mararamdaman ko pa ang iyong yakap