(Published under CLP)
-
Mga tulang pinagpuyatang isulat tuwing gabi
Para sa tatlong tao na nawala sa aking tabi
Sa pagsusulat ko ng mga tulang ito, sila ang naging susi,
Sa pintuan kung saan makikita ang aking mga pagsisi
Araw-araw, lagi akong nagba...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kay sarap damhin ng hangin ngayon Kahit lumipas na ang panahon Ang nararadaman ko'y naaayon Sa panahong kinakalimutan na ang kahapon
Makikita ko na naman ang mga puting kristal Ang gandi nilang tingnan sa kalangitan Kahit na magkaroon ako ng maraming pantal Hahayaan ko na lang ang nabasag kong puso ng mapalapitan
Pinarinig ko sa 'yo ang kantang naaayon sa panahon na 'to Ayun ang gustong gusto kong sabihin sa 'yo Ngunit katulad nitong panahon, Dadaan ka lang at maglalaho
Naiisip ko na ikaw ang kasama kong nakatayo rito Habang magkahawak kamay tayong naglalakad palayo Ngunit itong panaginip na 'to, ano pa ba ang punto? Kung ikaw na ang mismong naglaho't lumayo