Malay ko ba sa sarili ko
Iniisip ko kaagad na gusto mo ako
Naaalala ko pa no'ng naguusap pa tayo
Ang sarap sa pakiramdam na para bang may "tayo"Hindi ko tuloy maiwasan na sabihin sa'yo...
"Ang suwerte ng magiging jowa mo"
Lagi ko na lang 'yan nababanggit sa 'yo
Mararanasan ko rin bang maging jowa mo?Oh, buhay nga naman
Binola bola pa nga ako ng tadhana
Ang akala ko'y tayo'y tinadhana
Ang masaklap lang, akala ko lang palaKaya ngayon, kahit ganito ang nangyari sa ating dalawa
Okupado man ang aking isip kaiisip sa 'yo
masaya na ako na kahit sa isip ko'y makakasama kita
wala na akong magagawa kun'di tanggapin na lamang ito
YOU ARE READING
El Pasado es Para ser Olvidado
Poetry(Published under CLP) - Mga tulang pinagpuyatang isulat tuwing gabi Para sa tatlong tao na nawala sa aking tabi Sa pagsusulat ko ng mga tulang ito, sila ang naging susi, Sa pintuan kung saan makikita ang aking mga pagsisi Araw-araw, lagi akong nagba...