(Published under CLP)
-
Mga tulang pinagpuyatang isulat tuwing gabi
Para sa tatlong tao na nawala sa aking tabi
Sa pagsusulat ko ng mga tulang ito, sila ang naging susi,
Sa pintuan kung saan makikita ang aking mga pagsisi
Araw-araw, lagi akong nagba...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Kalimutan mo na ako." Ayan ang huling sambit mo sa akin bago mo ako palayain sa preso Lalaya na ako sa presong kinalulugaran ko Ang tanong, magiging masaya ba ako kapag nakalabas na ako?
Yamot na ako sa pagkakakulong ko rito At hindi ko na rin mapigilang hindi magreklamo Ang tagal ko nang nasasaktan sa lugar na 'to Nagawa ko pa ngang umiyak sa loob ng preso
Nang makalaya na ako, parang may kulang Ang ginawa ko, napalingon ako sa aking pinanggalingan Bakit parang gusto ko siyang balikan? Ano pa ba dapat kong balikan sa kaniya?
Inamin ko na kahit na gano'n ay napamahal na ako Tinamaan ako sa mga ginawa ko para sa 'yo Oh kaya babalik ulit ako sa presong pinanggalingan ko kahit na palayain mo ako ulit, babalik pa rin ako sa 'yo