"Nakakain ka na ba ng Presa?"
Sa tanong niya'y ako'y nasurpresa
Napalunok ako't bigla akong kinabahan
Parang may nakatutok na baril sa akin na handa niyang ikasaHabang kami ay naguusap, may bigla kang pinasa
Inabot ko naman ang hawak hawak mong presa
Nagdadalawang isip ako noong umpisa
Kapag ako'y kumagat, alam ko na ang parusaNaisip ko ang mga puwedeng mangyari
Ngunit biglang nanginig ang aking mga daliri,
Nang makita ang presang iyong ibabalik
Sambit ko, "Hindi ito maaari."Binigay niya muli ang presa na nagpatibok ng aking puso
Kinuha ko ito at hinayaan kong ako'y maging tuso
Pagkagat ko ng presa, agad akong napadpad sa isang preso
Ngayon ko lang naunawaan na sa larong ito, ako'y natukso
YOU ARE READING
El Pasado es Para ser Olvidado
Poetry(Published under CLP) - Mga tulang pinagpuyatang isulat tuwing gabi Para sa tatlong tao na nawala sa aking tabi Sa pagsusulat ko ng mga tulang ito, sila ang naging susi, Sa pintuan kung saan makikita ang aking mga pagsisi Araw-araw, lagi akong nagba...