(Published under CLP)
-
Mga tulang pinagpuyatang isulat tuwing gabi
Para sa tatlong tao na nawala sa aking tabi
Sa pagsusulat ko ng mga tulang ito, sila ang naging susi,
Sa pintuan kung saan makikita ang aking mga pagsisi
Araw-araw, lagi akong nagba...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Hinding hindi ko pa rin makalimutan Ulitin man ang mga nangyari sa isipan Walang sawang ko pa ring binabalikan ang nakaraan Ang tanong, iyo pa bang natatandaan?
"Good Morning" mo ang aking hinihintay Maging ang iyong "Good Night" Oh, kay sarap sa pakiramdam Ang tanong, puwede pa ba nating balikan?
Kung ako ang iyong tatanungin kung gusto ko 'yong balikan "Oo, sabik na sabik na akong balikan ang nakaraan." Nagawa ko na rin manalangin sa poong maykapal Ginawa ko man lahat, mukhang hindi na 'yon matutupad.
Kahit kailan ay hindi ako makapaniwalang nagawa ko 'yon Ang nangyari lang, minahal kita ng lubos 'Lam kong alam mo na mahal kita Iniisip ko lang kung bakit mo ako nagawang paglaruan
Mga pinagsamahan natin na nawala sa isang iglap; Unti-unti ko na ring tinatanggap Tinanggihan mo man ako ANg masasabi ko lang ay sana hindi ka magsisi sa iyong desisyon