Chapter 10

367 27 0
                                    

"Tay!" Pagtawag ko kay tatay pagpasok ko palang ng bahay. Wala 'to sa sala kaya nagtungo ako sa salaNakita ko ro'n at tila may nililista.

Mabilis na lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Naramdaman ko naman ang pagigtad nito.

"Magandang gabi, tatay!" Masayang bati ko"Jusko, Talitha! Ginulat mo 'ko," aniya at napahawak pa sa kaniyang dibdib.  Natawa naman ako bago bumitaw sa pagkayakap at umupo sa katabi niyang upuan. |

"Para saan 'yan, tay?" Tanong ko sa kaniya nang makita kong nakalat notebook niya na may lamang listahan ng may mga utang kay tatay.

"Ah, eto? Nililista ko lang 'yon mga nagbayad ngayon araw," he said at me. "Ah, siya nga pala. Tumawag ang mama mo, hindi mo ba siya bibisitahin? Sobrang miss na miss kana nun." Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa'kin.Napabuntong hininga naman ako bago ngumiti.

"Hindi na, tay. Ayoko pong iwan kayo rito."

Nasa Cagayan De Oro kasi si Nanay habang kasama niya ang bagong pamilya niya. Noong highschool ako ay naghiwalay sila ni tatay at nakapangasawa 'to ng mayaman na may-ari ng farm sa cagayan.Alam ko na naman rason kung bakit tumawag na naman si mama kay tatay ay para kumbinsihin akong magtungo sa cagayan de oro na siyang ayokong sang ayunan.

"Anak, tumawag lang siya. Wala naman siyang sinabi tungkol sa pag iwan mo sa'kin dito," si tatay at sinabayan niya pa ng pagtawa.

"Gano'n pa rin 'yon, tay. Kapag nakausap ko na siya ay kukumbinsihin ako nun kaya huwag nalang."

Matapos ang usapan namin ay agad akong nagtungo sa kuwarto ko para magbihis dahil mag-aaral ako. Nakapagluto na raw si tatay kaya hindi na ako mag-aabalang magluto.Napatigil naman ako sa pagbaba ng marinig kong tila may kausap si tatay.

"Hindi mo naman siyang puwedeng ilayo sa'kin, Lara! Iniwan mo sa'kin si Talitha at tapos ngayon ay kukunin mo siya."

Napakagat naman siya ng labi ng marinig niyang mama niya ang kausap ng tatay niya.

"Alam kong ikaw ang ina niya at hindi ko naman siya pinagkakait sa'yo! May sariling isip na ang anak ko, Lara at alam mong hindi siya aalis sa puder ko! Hindi mo siya basta mapapupunta r'yan!" Napalunok nalang siya bago umiling.

Nagtungo na siya sa kusina para kumuha nang plato para sa'min ni tatay. Ang siyang paglapag ko ng plato sa lamesa ay siya ring pagpasok ni tatay.Nakunoot ang noo nito at tila may malaking problema. Tungkol na naman siguro 'to kay mama.

"Tay, kain na tayo," masayang anyaya ko sa kaniya.

Pilit na ngumiti lang 'to at umupo na.Nagsimula kaming kumain at habang kumakain kami ay tinatanong niya rin ako tungkol sa school kung kumusta na ba.

Nang matapos kong kumain ay nauna ng umakyat si tatay sa kuwarto niya habang ako naman ay naiwan para hugasan ang pinagkainan namin.

"Nakita mo na ba 'yong post ni Guevara?" Napakunoot ang noo ko habang binabasa ang message sa'kin ni Caitlin.Mabilis na nagtipa ako.

Ako:

Ano bang post 'yan?

Wala pang ilang segundo ay naka recieve na naman ako ng bagong message galing kay Caitlin. Napataas naman ako ng kilay ng magsend ito ng link.

Link talaga huh?Pinindot ko naman 'yon. Hercules Guevara agad ang nabasa kong name. Hindi ko naman friends sa facebook si Hercules kaya hindi ko alam kung anong pino-post niya.

Napanganga ako ng makita ko ang sinasabi ni Caitlin. It was our pictures on Balay Dako. Halos mabitawan ko ang phone ko ng makita ko ang caption.

"First date with my love"

Halos ang naro'n ay picture ko pero nakatalikod ako at nakaside view na hindi ko naman alam na kinukuhanan niya ako ng litrato at ang huling litrato ay nakangiti kami habang naka-akbay siya sa'kin.

Kinabukusan ay agad kong nabungaran sa gate ng university si Caitlin na tila may hinihintay at nang makita niya ako ay patakbo siyang lumapit sa'kin.Hinila pa nito ang bahagya ang buhok ko at inasar-asar pa ako tungkol kay Hercules.

"Ikaw, ah? Hindi kana nagsasabi sa'kin, ah? Nagtungo kayo ng tagaytay, ano nag kiss ba kayo?" Pilit na sinusuway ko si Caitlin dahil sa mga pinagsasabi niya dahil pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nadaanan namin.

"Caitlin, kumain lang kami," tanging sagot ko sa kaniya.

"Kain lang ba ang nangyari, ah? O baka naman nagkainan kayo." Nanlalaki ang matang bumaling ako ng tingin ng kay Caitlin at bahagyang tinampal ang bibig niya


"Ang bibig mo, ah!" Saway ko sa kaniya pero ngumisi lang 'to sa'kin.

"Hindi pero seryoso! Anong nangyari sainyo sa Tagaytay?" She asked.  Hindi ko siya sinagot at pumasok na sa room. Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin pagpasok ko dahil halos lahat ng mga kaklase ko ay napapatingin sa'kin.

Alam ko naman hindi ako kagandahan pero hindi naman nila ako tignan ng ganiyan.

"Grabe ang tingin sa'yo ng mga babaeng may gusto kay Hercules, oh!" Napatingin naman ako kay Caitlin ng magsalita na naman 'to.

"Ano bang sinasabi mo?" "Tignan mo, oh. Hindi mo ba nararamdaman 'yang mga masasamang tingin nila sa'yo."

Napabuntong hininga nalang ako bago umilingAkma pa akong magsasalita ng dumating na professor namin. Nang matapos ang klase naman ay sumunod naman ang professor namin sa Social Science.

Nagsimula na 'tong mag klase habang ako naman ay nakinig nalang. Napatingin naman ako sa katabi ko, napakunoot ang noo ko ng makita kong hawak niya ang kaniyang phone at mabilis na nagtitipa.

Kausap na naman niya siguro si Dale?

Sinipa ko ang kaniyang paa para mapatingin 'to sakin. Tinuro ko naman ang harapan at sinenyasan siyang makinig. Napanguso naman ito bago ilagay ang kaniyang phone sa bulsa ng uniform niya.

Nang matapos ang klase ay library ako nagtungo dahil vacant ko naman habang si Caitlin naman ay hindi ko alam kung saan nagtungo. Hindi rin na nagpaalam sa'kin.Natigil ako sa pagbabasa ng may maglapag ng limang makakapal na libro ang naglapag sa harapan ko. Napabuka ang labi ko ng makita ko kung sino 'yon.

"Can I?" He said casually Tumango nalang ako.

Hindi namang puwedeng hindi ako pumayag, hindi naman akin 'tong library.

"Vacant?" He askedTumango lang ako sa kaniya.

"Are you free later?" Napakagat nalang ako sa labi ko habang pinagpapatuloy ko ang pagbabasa ko. Mag-aaral ba siya o kakausapin niya lang ako rito?Hindi ko siya sinagot bagkus ay tinuloy ko ang pagbabasa sa reviewer ko dahil may quiz ako sa isa sa mga subjects ko.

"Why aren't you talking me?" Napabuntong hininga nalang ako dahil sa pangatlong beses niyang pagpapansin.Hinarap ko siya.

"Later. Kakausapin kita hanggang sa magsawa ka sa'kin but for now mag-aral ka nalang diyan."

Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya. "I think this is a study date and I like it," he whispered.

Hindi ko nalang siya pinansin. Wala na atang makakatalo sa kalandian nitong lalaking ito.

Natigil ako sa pagbabasa ng maramdaman kong may humihilik sa tabi ko. Kunot noong sinulyapan ko ng tingin si Hercules.Napatikom naman ako sa bibig ko ng makita ko 'tong natutulog habang humihilik.

Mahina humagikgik ako bago napailing. Hinayaan ko nalang siya ro'n hanggang sa matapos ako.Napatingin naman ako sa relo ko, alas dose na pala.

Ilang oras din pala akong narito, agad kong tinignan ang katabi ko, akmang kong gigising 'to pero nag-aalinlangan ko 'tong gising kaya naiwan sa ere ang kamay ko.

Malalim na napabuntong ako at napapikit bago ko ilagay ang kamay ko sa braso niya at tapikin siya.

 "H-Hercules..." paggising ko sa kaniya habang tinapik ang braso niyaHe groaned and opened his eyes. Mabilis na napaayos ako ng upo at napaiwas ng tingin. Napalunok ako bago tumikhim.

"Nakatulog ka... A-Ahm... Lunch na," aniya ko sa kaniya at inayos na ang mga gamit ko at nilagay sa bag at folder ko.

"S-Sabay ka na sa'kin... kumain?" Namumulang nag-iwas ako sa kaniya ng tingin dahil sa hiyang nararamdaman ko.

"Like lunch together?" Marahang tumango naman ako sa kaniyaMasayang mabilis na tumayo siya at inayos ang mga librong binasa niya na siyang ikinatulog niya.

"Yes. Of course, hindi ako tatanggi r'yan." Napailing nalang ako bago lihim na napangiti. Tignan ko naman siya habang masayang inaayos ang mga libro, binalik ko na rin sa mga shelf ang libro na kinuha ko at gano'n din siya.

Sabay kaming lumabas ng library at naglakad patungo sa cafeteria ngunit natigil din ng may humarang sa'ming dalawa.Nakatingin ito kay Hercules habang nakangiti sa kaniya.

"Hercules! I thought hindi ka um-attend ng class! Kanina pa kita hinahanap, babe." Bahagyang napagilid pa ako ng  mabangga ako nito at tumabi ito kay Hercules at kinawit ang braso niya sa braso ni Hercules.

Napaiwas naman ako ng tingin ng makaramdaman ako ng kirot sa dibdib ko.

"A-Ah sa tingin ko.... A-Aalis na ako t-tutal may k-kasama ka naman." Napakurot naman ako sa daliri ko ng mautal ako.

Hindi ko na hinayaan makapagsalita si Hercules at mabilis na naglakad papalayo sa kanila.Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko ang pagtawag ni Hercules pero hindi ko iyon pinansin at binilisan ang paglalakad patungo sa cafeteria.

May pa sabi-sabi pa siyang wala siyang girlfriend. E, sino 'yong babaeng 'yon, fling niya? Sinungaling siya!

Babysitting My Billionaire Ex-HusbandWhere stories live. Discover now