Chapter 34

192 16 1
                                    

Wala kaming imik sa isa't isa nang makarating kami sa bahay. Kahit si Tatay ay nagtataka sa inaasta naming dalawa.

Hindi naging maganda muli ang pag-uusap namin sa Ina niya dahil sa nangyari.

Paano pa kaya kung malaman niyang buntis ako at anak niya ang tatay nito? Sigurado akong magagalit at kamumuhian niya ako. Unang-una pa lang talaga ay hindi na niya ako gusto para sa anak niya.

Hindi ko rin naman maiitanggi na nasasaktan ako at alam iyon ni Hercules.

Buong araw atang hindi kami nag-usap ni Hercules. Umalis kaagad siya pagkahatid niya sa akin. Gusto ko siyang kausapin pero ang pride ko ay hindi maiwasang tumaas at hindi siya kausapin.

Napahimas na lang ako sa tiyan na hindi pa umbok.

"Baby, hindi na ata ako mahal ng daddy mo."

Napanguso ako. Masiyado akong nag-iisip na hindi naman dapat. Hindi niya lang ako kinausap ay nagkakaganito na ako.

Ilang oras na ngunit hindi pa rin bumabalik si Hercules. Saan kaya siya nagpunta? Galit ba siya sa akin at ayaw niya ng umuwi sa akin?

Bumuntong hininga ako at nagdesisyon na tumayo. Dumungaw ako sa bintana para tumingin sa labas. Hindi pa ako bumaba hanggang ngayon kahit kinakatok na ni Tatay ang kwarto ko.

Siguro dahil nawalan ako ng gana bumaba dahil wala si Hercules sa tabi ko at hindi kami nagkaka intindihan ngayon.

Alam ko namang hindi na nila ako nirerespeto pero ayoko pa ring magsalita siya ng ganoon lalo't na nanay niya pa rin iyon. Ayokong hindi maayos ang pakikitungo niya sa Ina niya.

Kahit si Mama na hindi kami nagkaka intindihan ay mahal ko pa rin siya. Kahit wala siya sa tabi ko ng mga panahong kailangan ko siya ay mahal ko pa rin siya.

Dahil kahit may mga nagawang masama sa akin ang Ina ko. Hindi ko pa rin itatangging nanay ko siya.

Unti-unting lumiwanag ang mukha ko nang makita ko ang papasok sa gate namin. Mabilis kong inayos ang aking sarili. Siguro dito ko na lang siya hihintayin o baba ako?

Ngumuso ako. Aakyat naman siya rito sa kwarto ko kaya rito ko na lang siya hihintayin. Ilang minuto akong naghintay at hindi nga ako nagkamali kahit nakatalikod ako ay narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Bakit gising ka pa?" malamig ang boses na aniya.

Ayan kaagad ang bungad niya sa akin pagpasok nito. Tumayo ako at tumingin sa kaniya.

"Hinihintay kita," sambit ko.

Hindi ako lumapit, nahihiya ako lalo't na nag-away kami sa maliit na dahilan at aamin kong kasalanan ko iyon. He just wants to protect me.

"Come here," he huskily said. Ngumuso ako at unti-unting naglakad patungo sa kaniya.

Magulo ang buhok, nakabukas ang dalawang butones ng polo niya. At amoy na amoy ko ang alak na nagmumula sa kaniya. Uminom siya.

Mabilis niyang hinapit ang baywang ko. Kaagad ko siyang niyakap at tumingala ako para titigan siya. Nasa akin ang tingin nito, namumungay ang mata.

"Uminom ka?" halos bulong kong tanong

He nodded. "I went to Dale."

"You should sleep. It's getting late," he said.

Napangiti ako at mahinang napahagikgik. Mas lalo kong binaon ang mukha ko sa kaniya. Narinig ko ang malalim nitong paghinga. Halos mapatili ako ng bigla ako nitong binuhat patungo sa kama.

Binaba niya ako sa kama. Sinundan ko ang bawat galaw niya. He take off his polo, sunod naman nitong hinubad ay ang pants niya. Tanging boxer na lang niya ang natira.

Babysitting My Billionaire Ex-HusbandWhere stories live. Discover now