Chapter 32

253 22 2
                                    

Maaga akong nagising ng may maramdaman ako kung anong humahalukay sa tiyan ko. Kaagad akong bumangon sa kama ko at nagtungo sa banyo.

I vomited. It's my morning sickness. This is my first time at hindi ako sanay na ganito ang nararamdaman ko tuwing umaga.

But I'm grateful because I'm going to be mother, soon. Not now but soon.

Naramdaman kong may tumatapik sa likod ko at tila inaalayan ako.

"Are you okay?" tanong niya, puno ng pag-aalala ang kaniyang boses.

Tumayo ako at saka nagmumog. Hindi ko pinansin ang tanong niya sa akin. At nang matapos kong gawin iyon ay kaagad ko siyang nilagpasan.

"Why are you not talking to me? I already take a bath, baby," aniya habang nagkasunod ito sa akin.

Hindi ko pinansin ang hinanaing niya sa buhay at tumuloy ako sa pagbaba. Ayokong makita ang mukha, ang panget!

"Are you still mad at me?" Naririndi na ako sa boses niya kaya tumigil ako sa paglabas ng kwarto ko.

Nagtama ang mga mata namin. Kaagad kong nakita sa kaniyang mga mata ang lungkot at miss niyang nararamdaman. Umiwas ako ng tingin at kaagad na gumawa ng pagkakalaabalahan.

Wala ngayon si Tatay dahil nagtungo ito sa palengke para magbenta ng mga gulay. Ang gusto ko sanang mangyari ay hindi na siya mag-trabaho ngunit matigas ang ulo ni Tatay. Ayaw magpaawat. Ang rason niya rin ay wala pa naman akong trabaho kaya hindi muna siya titigil sa pagbebenta.

Gusto kong kutusan ang sarili dahil sa problemang dala ko kay Tatay. Alam kong dapat nandito na siya sa bahay at tahimik na lang na nagpapahinga ngunit ang nangyari ay nagtratrabaho pa rin siya.

Day had past. It's still the same, hindi ko pa rin kinakausap ng maayos si Hercules. I still don't want to talk to him. Ayokong bumigay na lang bigla kapag lumapit siya sa akin.

Dahil baka sa ikatlong pagkakataon na patawarin ko siya, maulit na naman ulit. Mahirap umasang hindi ka masasaktan pero sa pagmamahal nga kailangan mong sumugal para malaman mo ang totoo.

Aminado akong takot akong masaktan pero sumugal ako kasi alam kong kahit masaktan ako, nandyan ang mahal ko. Pero kung mismong taong mahal mo na ang nanakit sa'yo, talo na kaagad ako.

"Talitha, are you okay? Why are not talking?" tanong niya habang nasa labas siya ng kuwarto.

Pinalabas ko siya sa kuwarto nang maamoy ko na naman ang katawan niya. He told me na kakatapos niya lang maligo pero ayoko pa rin sa baho niya.

"Manahimik ka nga riyan!" mahinang asik ko para hindi marinig ni Tatay. Alam ko kasing kapag narinig niya ako ay kakampihan niya ang magaling na lalaking nasa labas!

"I just want to check you. If you're going to sleep," he calmly said.

Umirap ako kahit hindi niya ako nakikita. Gusto niya akong tignan kung tulog na ba ako. Dahil aalis lang naman siya kapag nalaman niyang tulog na ako. At saka siya makikipagkita sa babae niya!

Akala niya ay hindi ko alam ang ginagawa niya tuwing nakakatulog na ako. Umaalis siya tuwing gabi, naririnig ko ang sasakyan niyang papaalis.

Kaya tuwing gabi ay umiiyak ako sa tuwing aalis siya.

"Can I come in, Baby?" masuyong aniya habang nasa labas pa rin.

Sumimangot ako bago dahan-dahang tumango. My mind change, I want to hug him tightly. Iyong tipong hindi siya aalis sa tabi ko.

I want to smell him, cuddle and kiss him.

Umalis ako sa pagkakaupo ko sa kama at nagtungo sa pinto para pagbuksan siya. When I opened the door. I saw him, sitting on the floor while bowing his head.

Babysitting My Billionaire Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon